INIGO
A DAY had passed since Callista came back. I'm still in awe whenever I see her acting in the usual way. Para lang siyang nakatulog ng isang buong linggo at nagising na lang bigla. No hints of her being mad and gone.
"Hanggang kailan pa ba tayo maghihintay dito?" nakakunot noo niyang tanong.
"Until tita arrives and have the discussion end," walang emosyon kong sagot. Tsk.
We are currently at a local café just two blocks away from the condominium. Nagtext kasi si Tita Ericha sa'kin kanina – a thing that doesn't happen usually. Sabi niya, may importante raw siyang sasabihin sa'kin at pupunta siya rito sa condo.
Mas lalo pa akong nagulat nang sabihin niyang pupunta siya sa bahay ko kaya agad akong nagreply na imbes na sa condo ay sa isang malapit na cafe na lang kami magkita.
I just don't want others coming inside my place.
"Bakit ka nga ba hindi pumasok ngayon sa trabaho?" pag-iba ni Callista sa usapan.
"I took a leave." I took the cup of coffee on the table and took a sip of it.
Oo, nagleave ako ngayon. Simula nung umalis ako kahapon nang lunch break sa opisina ay hindi na ako bumalik pa roon. Ngunit hindi 'yon nangangahulugang magpapahinga ako sa kaso nina Eric at Edison.
My plan today is to have a research on my own about Allistor. I want to try putting this case to an end alone.
"Masarap?" Nanlaki ang mga mata ko at muntik ko nang mailuwa ang lahat ng kapeng nasa bibig ko matapos 'yong sabihin ni Callista.
"H-ha?" Iyon na lamang ang naisagot ko, still confused of what she said.
"Masarap ba yung kape nila dito? 3 in 1 lang yung alam kong lasa kasi 'yon lang naman yung meron ka sa condo," saad niya at nagpout pa ng labi.
Why the hell is she always making that face since yesterday? Is she trying to be cute?
Magsasalita pa sana ako nang mahuli ng mga mata ko si Tita Ericha na tinutulak na ang glass door papasok. Nakaposisyon kasi ang upuan ko sa direskyong nakaharap sa entrance.
I immediately push my chair backward and stood up but my eyes widened upon seeing Karyll entering the café, following Tita Ericha.
Why is she with her?
Agad akong napansin ni Tita Ericha kaya agad siyang naglakad papunta sa'kin habang si Karyll naman ay sumunod sa kaniya ngunit ngayo'y nakatingin na sa'kin.
I sensed a different mood in their faces. They looked troubled and dissappointed. What's going on?
Tumigil sa harapan ko si tita. For a moment, napansin ko ang pagod sa kaniyang mga mata. Marahil ay umiyak na naman siya buong magdamag.
"Good morning tita, maupo po muna---"
ACCKKKKKK! ACCKKKKK!
Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang dalawang sunod sunod at malulutong na sampal mula kay Tita Ericha. It took me a few seconds before I could raise my face back to her. This time, I saw her face turning red while her eyes were still locked to mine.
"W-what was that all about tita?" Nanginginig ang boses ko habang nagsasalita. Not because of fright but of confusion.
I never saw her being like this. I never saw any other thing in her face other that a huge smile plastered on it every time I see her.

BINABASA MO ANG
I'll Save You Forever
מתח / מותחןWATTYS 2021 WINNER A young dedicated policeman vows to find the motive behind the death of a ghost who's also the ex-master of the crime group he has been hunting for years. *** After a dangerous police operation, Inigo Herrera, a young yet dedicate...