INIGO
"Tingin ko, mas bagay sa kaniya yung pink kesa sa orange na dress, diba?" tanong ng isang batang babae sa akin. Magkasing edad lang kami pero mas matangkad ako kesa sa kaniya.
"Boring yung laro mo eh! Baril barilan na lang tayo," suhestiyon ko at iniabot sa kaniya ang maliit kong pellet gun.
Binigyan ko pa siya ng malaking ngiti, nagbabakasakaling makipaglaro siya sa akin sa mga larong panlalaki.
Dalawang linggo pa lang kaming nagkakilala pero ang gaan na kaagad ng pakiramdam ko sa kaniya. Madalas na rin kaming maglarong dalawa tuwing hapon sa parehong park.
"Sige na nga," tugon niya naman at mabilis na kinuha ang pellet gun mula sa kamay ko.
Simula no'n, 'yon na ang palagi naming nilalaro. Lahat ng mga barbie dolls niya ay ginawa naming target. Paramihan na lang kami ng matatamaan.
"Stop na tayo!" biglaan niyang saad dahilan para mapakunot ang noo ko.
"Bakit?" mabilis kong tugon. Hinarap ko rin siya. Napatigil na naman siya sa pagsasalita at animo'y wala siyang maisip na dahilan.
Pagod na kaya siya? Bukas na lang siguro ulit.
"Ayoko na! Ang daya mo!" padabog niyang sigaw at mabilis na hinablot lahat ng mga manyika niya. "Palagi na lang ikaw yung panalo!" dagdag pa niya.
Balak ko pa sana siyang habulin kaso mabilis na siyang naglakad papalayo.
"Huy!" sigaw ko pero hindi na siya lumingon pabalik.
Ilang saglit pa, nakita ko na lang siyang tumatawid ng kalsada habang sa di kalayuan ay may sasakyang tumatakbo sa direksyon niya.
...
"ANONG sabi mo?" biglaang tugon ni Callista. Kasabay ng kaniyang pagsasalita ay ang paglaho ng lahat ng mga nakita ko sa aking isip ngayon lang.
"Inigo?" tawag niya pa ulit sa pangalan ko dahilan para mapatingin na ako sa kaniya pero tulala pa rin ako habang iniisip kung ano yung mga bagay na biglang pumasok sa isip ko.
Tiyak akong ako yung batang lalaki.
Tiyak rin akong sa probinsya namin yung park na nakita ko. Pero aside from that, wala na akong ibang alam. Hindi ko kilala yung batang babae, at wala rin akong maalalang ganon na mga insidente na nangyari sakin dati.
Wala akong mga kaibigan nun sa probinsya kaya palagi lang akong mag-isa sa bahay o di naman kaya'y namamasyal mag-isa dun sa park. Maliit pa si Jacob nun kaya hindi pa siya nakakapaglaro.
"Huy! Ulitin mo yung sinabi mo sakin!" saad pa ulit ni Callista dahilan para matauhan na ako.
Siya nga pala ang totoong kaharap ko ngayon.
"I said, I'll take your deal," sabi ko at huminga ng malalim bago magpatuloy sa pagsasalita. "Basta't tuparin mo rin yung pangako mo," dagdag ko.
"Pangako? I didn't promised anything?" nakakunot-noo niyang sagot.
"Kasama yun sa deal natin. Promise me na lalayuan mo na ako pang-habangbuhay pagkatapos kitang matulungan," pagpapaliwanag ko. Napatango naman siya roon.
"Deal?" sabi ko pa at inilahad ang kamay ko sa kaniya.
I really can't believe what I'm doing right now. Having a weird and unearthly deal with a ghost is hilarious.
Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, nagbago na lang ang lahat ng iyon pagkatapos niya akong iligtas.
It was as if there were some kind of sparks in her eyes that makes me want to repay what she did.
BINABASA MO ANG
I'll Save You Forever
Mystery / ThrillerWATTYS 2021 WINNER A young dedicated policeman vows to find the motive behind the death of a ghost who's also the ex-master of the crime group he has been hunting for years. *** After a dangerous police operation, Inigo Herrera, a young yet dedicate...