Kabanata IX

2.2K 140 4
                                    

INIGO

"PAANO po kung sabihin ko sa inyong multo nga siya?" mabilis kong tugon sa sinabi ng tindero pero tinawanan niya lang ako.

Ewan ko ba pero nanindig yung balahibo ko sa tawa niya. Malalim ang boses nito pero para bang masyadong bata pakinggan kung ikukumpara sa edad niya.

"Imposible naman po ata 'yon sir," sabi niya habang tumatawa at umiiling. Natahimik na lang ako roon.

Bumalik na rin si manong sa ginagawa niya at hinanda yung siomai kaya kumuha na rin ako ng pera sa pitaka ko.

Inilapag ko ang bayad sa ibabaw ng stall dahil abala pa rin ang tindero sa paghahanda ng siomai.

Napalingon naman ako kay Callista pero napalunok na lang ako ng laway ng makitang nakatingin na pala siya sa akin.

Why is she staring at me?

Agad kong ibinaling ang tingin ko sa tindero pero laking gulat ko na lang nang mawala na siya sa harapan namin ni Callista.

Naiwan na lamang ang siomai sa ibabaw ng stall niya at nawala na rin yung perang inilapag ko.

"Nasaan na yung tindero?" tanong ni Callista pero napakamot na lang ako sa batok. Kahit ako ay nabigla rin.

Ba't bigla na lang siyang umalis?

"Totoo kayang nakikita niya rin ako? May nakakita pa kayang ibang tao sa'kin maliban sayo?" sunod sunod niyang tanong dahilan para mapalingon ako sa kaniya.

The crack in her voice made me feel intimidated. The despair in her eyes is clearly visible.

"M-maybe?" tugon ko. "Hindi naman imposible 'yon. After everything that has happened, I believe nothing is impossible."

Magsasalita pa sana siya kaso biglang nagring yung cellphone ko. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita kong 2:30 na pala at tumatawag na si Eric.

"Damn, I'm almost late," isinilid ko na lang ulit yung cellphone sa bulsa ko at agad na binitbit yung siomai.

Alas tres yung usapan namin.

"Tara na," tawag ko kay Callista.

Halos paliparin ko na ang sasakyan sa sobrang bilis ng takbo nito. Panay ang overtake ko sa ibang mga sasakyang nakaharang sa unahan.

Medyo makumulimlim na rin yung langit. Bigla na lang nawala ang araw sa itaas at napalitan ito ng mga maiitim na ulap.

Habang nagmamaneho ay hindi ko mapigilang mapatingin kay Callista na nakaupo lang sa tabi ko ngayon.

Her eyes were closed. Malalim rin ang bawat hininga niya. Tila ba may binibitbit siya ngayong mabigat na palaisipan sa kaloob looban niya.

"Ganyan na ganyan din yung mukha mo nung nalaman mong nakikita kita. You look ugly," I tried to make a joke to lighten the mood.

Akala ko'y magsasalita siya dahil tumingin siya sakin pero nanatili lang nakasara yung bibig niya.

"Look, hindi mo na kailangan pang alamin kung may nakakakita pa ba sayong iba liban sakin," I sighed before I continued talking. "Nangako ako sayo noon kaya all you have to do is to stay by my side and I'll do the rest."

Napasok na ako sa kahibangang ito kaya there's no turning back. I made her a promise, a deal actually na tutulungan ko siyang mahanap ang taong pumatay sa kaniya. At hindi ko sisirain ang salita ko.

This woman by my side already saved my life two times and my conscience will forever haunt me if I'll ditch her.

Mag-aalas singko na nang makarating kami sa bahay nila Eric.

I'll Save You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon