Kabanata XXI

1.8K 120 35
                                    

INIGO

Hinatid na ako ni Tita Ericha palabas. Ako na lamang mag-isa dahil nauna nang umalis si Karyll kanina. She said she still has errands to run.

"Salamat sa pagdalaw Hijo," ani tita at tinapik ang balikat ko.

"Sige ho, mauna na ako," sabi ko at tumalikod na.

I opened my phone to check the time. Minsan napapaisip ako kung bakit ba wala akong relo. I just trust my phone or any wall clocks I see around me.

Alas kwatro pa pala ng hapon.

There is still much time left bago matapos ang holiday na 'to.

Alas singko na ng hapon nang makauwi ako sa condo. Napabuntong hininga muna ako bago isa isang pinindot ang mga numero ng passcode ko.

I wonder how Callista's been doing. Sana hindi siya nagtatampo o kung ano man dahil sa hindi ko natupad ang sinabi ko na magluto.

Kung may pasok sana sa trabaho ngayon, I could have bought ingredients. Walking distance lang naman kasi ang palengke sa office namin. But since it's a holiday, I'm afraid it would take time makabili.

Pagkabukas ko nang pinto I nadantan ko si Callista na nakapikit habang nakaupo sa sofa.

Is she asleep?

Lumapit ako sa kaniya at tinapik ang braso niya but I had not gotten any response. Mukhang tulog nga siya. Napalingon naman ako sa TV na nakabukas pala pero naka silent yung volume.

She's watching some life hacks tutorials on youtube. I smirked upon realizing the idea. It tickles my emotions seeing her learning more about life.

Kahit saang banda ko tingnan, everything is far beyond what we believe is real.

She was once a criminal. I was the one who ended her life. And just recently, I thought I'd die but she saved me. And now, she's warm and alive.

It's as if we are inside some fantasy.

Gayunpaman, I'm slowly living with everything that was offered in front of us. Both of us knew nothing about what's going on. Walang nakakaalam sa'min ng puno't dulo nang pagkabuhay niya muli.

It feels like we are floating up in the sky. We don't know why we were able to fly but that does not matter as long as we feel the wind of convenience rushing against us.

Dahan dahan kong kinuha ang remote ng TV na nakaipit sa mga daliri niya at pinatay na ito. Sayang yung wifi 'no! Hindi 'to unli!

"Inigo? Nakuwi ka na pala," medyo nagulat ako nang bigla siyang magsalita. Mukhang nagising yata siya matapos kong agawin sa kaniya yung remote.

"Malamang, nandito na ako eh." I tried to act sarcastically. I was about to proceed to my room when I saw something in her face.

Wait is that... "May laway ka sa mukha." Natawa ako habang sinasabi 'yon.

Bakas naman sa mukha niya ang pagkahiya at nanlaki pa ang mga mata niya.

Agad niyang pinahiran yung kanan niyang pisngi gamit ang palad niya.

"Tsk, sa kaliwa kasi," ani ko. I can't help but to let go of a silent laugh.

Agad niya namang pinahiran ang kaliwa niyang pisngi ngunit nalagpasan niya lang ito. Nung nakita niyang wala pa rin akong tigil sa pagtawa ay inulit ulit niya pa ito ngunit bigo pa rin siyang mapahiran 'yon.

"Heto oh," hinawakan ko ang pisngi niya at pinahiran ang natirang laway rito ngunit bigla ko na lamang naramdman ang panginginit nang aking pisngi matapos kong gawin 'yon.

I'll Save You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon