Kabanata XIX

1.9K 130 26
                                    

INIGO

Akmang babalik na sana ako sa inuupuan ko nang bigla niyang hilain ang damit ko dahilan para mawalan ako ng balanse at matumba.

Napahiga sa kama niya si Callista habang ako naman ay nakapatong na sa kaniya ngayon.

Everything went slow afterwards. Animo'y bumagal ang oras nang magtagpo ang mga mata namin ni Callista...

while I felt her warm breath touching my face.

DAMN. Muntik. ko. na. siyang. mahalikan.

Isang linggo na ang lumipas mula nung nangyari 'yon. Pero bakit palagi pa rin siyang bumabalik sa isipan ko. And everytime I think of it, hindi ko maiwasang mapangiti.

What the hell is wrong with me?

"SPO2 Herrera?" nagulat na lamang ako nang bigla akong tawagin ni Police Corporal Gonzales na nakatayo na pala sa harap ng mesa ko.

"H-ha?"

Kanina pa talaga ako tulala dito sa opisina habang iniisip ang pangyayaring 'yon sa'min ni Callista nung nakaraang linggo.

4:56 na rin naman ng hapon. Ilang minuto na rin lang naman at patapos na ang shift ko kaya paupo upo na lang ako dito sa upuan ko.

"Sama ka sa'min mamaya," nakangiting alok sakin ni Gonzales pero nangunot lang ang noo ko.

"Oo nga naman Herrera, you are quite stressed kaya have fun din paminsan minsan," dagdag pa ni SPO3 Lopez kaya mas lalo akong naguluhan. Bihira lang kasi na nasa good mood siya.

"Saan po ba?" nakakunot noo kong tanong. Sa totoo lang ay wala akong alam sa mga pinagsasasabi nila.

"May paparty kasi itong si Gonzales. Birthday ng bunso niyang anak," sagot ni SPO3 Lopez.

If that's the case, I'm afraid I can't come. Gustuhin ko man, marami pa akong gagawin. Kinakailangan kong manatili sa ospital. Naghihintay na sakin si Callista roon.

Ito na ang usual thing ko these past few days. Pagkatapos ng shift ko ay it's either didiretso na ako sa ospital o uuwi muna ako sa condo para kuhanin ang mga bagay na kailangan ko at pupunta rin agad sa ospital.

Except that day kung kailan pumunta pa ako ng mall para bilhan si Callista ng mga damit.

It's been hell of a week simula nung isugod sina Eric at Callista sa ospital. At sa loob ng isang linggong 'yon, di mo aakalaing halos walang nangyari sa bawat araw na dumadaan.

Eric is already conscious pero hindi pa siya nakakatayo. As it turned out, he was badly tortured by Crimson Group way before I arrived.

Nagkaroon siya ng dalawang fracture sa ribs. Hindi rin siya makakatayo pa dahil pilay ang magkabila niyang paa.

Hindi ko tuloy maisip kung gaano kawalang hiya ang mga pinaggagagawa ng mga mokong na 'yon ng Crimson lalo na si Allistor.

Speaking of Allistor, kasalukuyan pa rin namin siyang pinaghahahanap. After Callista got shot, nawala na ang atensyon ko sa kaniya and that allowed him to escape, again.

"Ano Inigo, sasama ka ba?" nagtanong ulit si SPO3 Lopez dahilan para matauhan ako.

Tulala na naman ako, tsk.

"Pass muna ako sir, didiretso pa ako ng ospital eh," tugon ko at napakamot sa ulo.

"Are you sure? Pwede ka namang umalis ng maaga," pagkokompirma niya pa.

"Next time na lang siguro sir," sagot ko. Nagpilit pa ako ng ngiti. "If you'll excuse me, mauuna na ho ako," tumayo na ako at nilapitan si Gonzales. "Salamat sa inbitasyon pre ha pero 'di muna talaga ako makakapunta," tinapik ko na rin ang balikat niya saka lumabas na ng opisina.

I'll Save You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon