Kabanata VI

2.8K 167 4
                                    

INIGO

Punong puno ng mga batang nagsisitakbuhan ang parke. May mga matatanda ring nagkukwentuhan sa mga nakahilerang benches sa tabi ng mga yumayabong na kulay pulang santan.

Ang iba'y naglalakad kasama ang kanilang mga aso na inaamoy ang lahat ng damo sa gilid ng daan.

Everyone seemed happy but not me. Nag-iisa lang akong nakaupo sa ilalim ng isang malaking puno habang pinagmamasdan ang lahat ng mga tao sa parke.

I tried to go here para maibsan ang mga problemang sumusuntok sa akin sa mura kong edad pero hindi nila magawang lumisan.

My problems are hunting me everywhere I go.

Unti unting naging kahel ang kalangitan kaya napagpasyahan kong tumayo na. Babalik na ako sa totoo kong buhay para harapin muli ang mga problema ko.

Agad kong kinuha ang dalawang pellet gun ko pero bago pa man ako makapaglakad papalayo ay bigla na lamang gumalaw ng malakas ang punong sinisilungan ko.

Wala namang hangin pero animo'y ang mga dahon nito'y patuloy na sumasayaw.

Ilang saglit pa ay nakita kong may bumagsak galing sa puno. Bigla na lang sumakit ang bandang sikmura ko at naramdaman ko na lang ang sarili kong nakahiga na sa damo habang may nakapatong sa akin.

"Aray!" hindi ko mapigiling sumigaw.

Nanlaki na lang ang mga ko nang makitang isang babae pala ang bumagsak sakin na galing sa puno.

Nagtama rin ang mga mata namin pero agad din akong umiwas at napapikit dahil sa sobrang sakit ng sikmura at bandang likod ko.

"Aray, ano ba!" sigaw ko pa nung gumalaw siya at umikot papunta sa gilid ko. Katabi ko na siya ngayon at nakahiga na rin siya sa damo tulad ko.

"Thanks," sabi niya at nginitian pa ako. Tsk, hindi ko aakalaing magiging trampoline ako ngayon. Hindi ko lang siya pinansin at humarap na lang sa itaas.

Nanatili kaming nakahiga sa makapal na damo habang pinagmamasdan ang unti unting dumidilim na langit.

Sumulyap din ako ng kaunti sa kaniya. Medyo kulot ang kaniyang itim na buhok kaya bumagay sa puti niyang balat. Ang kaniyang mga mata ay animo'y nakangiti habang nakatutok sa langit.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nailang agad ako sa kaniya. Gusto kong magalit dahil sa pagbagsak niya sakin pero hindi ko magawang makapagsalita.

Kalaunan ay tumayo na rin siya kaya tumayo na rin ako. Hindi sa sinasabayan ko siya pero pinalipas ko lang talaga ang ilang minuto para maibsan yung sakit sa likod ko.

"Sorry nga pala," biglaan niyang tugon. Tinaasan ko lang siya ng kilay pero sa hindi inaasahan ay inilahad niya ang kamay niya sakin.

Alam ko na ang susunod na mangyayari. Babanggitin niya na ang pangalan niya.

I waited for a couple of seconds for her to introduce herself pero bigla na lang nawala ang lahat ng tunog sa paligid.

The dog barks, the laughters, those running footsteps and even her breath that's loud enough for me to hear are gradually disappearing.

Pati ang aking paningin ay unti unti ring dumidilim hanggang sa tuluyan ng umitim ang paligid.

Napagtanto ko na lang na nakapikit pala ako kaya dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata. Parang biglang namanhid ang buong katawan ko at kahit ang ulo ko'y parang hinahampas sa sobrang sakit.

I'll Save You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon