Wakas

3.2K 169 22
                                    

NAPASIPOL sa tugtog ng kanta ang isang may edad na babae habang nagmamaneho. Nakasuot ito ng uniporme ng pulis at naka-bun ang buhok. She hasn't worn any ladies' accessories except a crown pendant necklace on her neck. Nabili niya ito sa mall many many years ago. 

Ilang saglit pa'y mas nilakasan niya pa nga ang volume ng stereo.

The song "Can't Help Falling in Love" has been her lullaby. Even to her children. She didn't fail to pass down her fondness of that long song to her two kids.

Phone ringing...

Oh, speaking of...

The woman answered the call and placed her phone on the passenger's seat. In-activate niya rin ang loud speaker upang makapagpatuloy lang siya sa pagmamaneho habang sinasagot ang tawag.

"Hello?"

"Hello, mommy!" sigaw ng isang batang lalaki mula sa kabilang linya.

A huge smile was plastered on the woman's face upon hearing that voice. It's her youngest seven-year old son who's talking on the phone. "Yes, baby, bakit ka napatawag?"

"Kailan ka po uuwi?"

"Baby, didn't I tell you na matatagalan pang makauwi si mommy? May dadaanan pa ako ngayon eh."

"Eh si kuya po kasi eh! Ayaw akong tulungan sa project ko!"

"Hay nako, ibigay mo nga 'tong phone sa kuya mo dali," the woman answered. Napabuntong hininga na lamang siya.

Bakit ba kasi parehong lalaki yung mga anak niya? Hindi tuloy natatapos ang isang araw nang hindi sila nag-aaway. Though, she doubts that the turmoil will vanish if she had a boy and a girl.

Basta yata magkalapit lang yung edad, hindi talaga maiiwasan yung mga away-away. Her eldest son is 9 years old, while her youngest is seven. Maliit lang ang agwat kaya palaging nagkakasundo pero palagi ring nag-aaway.

Naghintay-hintay pa ang babaeng may magsalita mula sa kabilang linya ngunit lumipas na ang isang minuto ngunit wala pa ring nag-he-hello sa phone.

She took her phone in her hand only to find out call ended na pala.

She frowned. It's either the call was accidentally ended o nag-away na naman ang dalawa kaya in-end nila ang call para hindi marinig ng mommy nila. Well, either way, hindi naman masyadong nag-alala ang babae. She knows that someone aside from her is also taking good care of the children at home.

Phone ringing...

Kumunot ang noo ng babae matapos mag-flash ang mga katagang 'yon sa screen niya at magring ang phone. Another call?

"Hello?" bati ng babae at inilagay na naman ang phone sa pinaglagyan niya kanina at in-on ang loud speaker.

"Bes! Nasa'n ka na? Kanina pa ako nag-we-wait dito oh!"

Natawa ang babae sa narinig. Literal na napahalakhak siya.

"Anong nakakatawa aber?"

"Ang tatanda na natin Karyll, parang bagets ka pa rin kung magsalita," tugon niya sa kausap.

It's her best friend who's calling. In-expect niya na talaga na tatawag 'tong kaibigan niya anytime kasi late na siya ng halos 20 minutes sa meet up place nila.

"Hoy, ebarg ka ha! We aren't oldies pa kaya. Uhm—mga may edad yata is the right term," tugon ni Karyll.

"Whatever! Oh siya, magha-hang up na ako, medyo malapit na rin ako diyan," the woman answered, disregarding her friend's complain.

I'll Save You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon