INIGO
PASADO alas sais na ng hapon. Kasing lakas pa rin kagabi ang buhos ng ulan. Nasa isang malapit na pharmacy ako ngayon at halos nakadikit na sa akin ang nagmomoist na bintana nito.
Nagsisiksikan kasi ang ang mga tao dito at nagpapaunahan kung sino yung unang ma-accomodate ng mga nagmamadali ring pharmacists.
Mula rito sa loob ay alintana ang mga sasakyang tumatakbo sa daan na tiyak akong nahihirapan na sa pagmamaneho ang mga driver dahil halos wala ng makita sa paligid.
Marami ring mga tao ang nakikisilong sa labas ng pharmacy, naghihintay na tumigil na ang ulan.
Pero hindi ako. I walked towards here all the way from my condo only with my gray hoody on. Gawa lang ito sa tela kaya basa pa rin ang buong katawan ko ngayon. Wala rin akong payong.
Maliligo naman ako bahay. Though I admit that what I'm doing is pretty dangerous. Rain is not something I can make fun of anytime.
"Heto na po lahat sir," saad nung pharmacist kaya napalingon ako muli sa counter.
Bumili ako ng isang bote ng alcohol, bandage, tissue, at iba pang kakailanganin ko para sa mga sugat at pasa ko. Ito rin kasi ang ibinilin sa akin ng doctor.
I want my entire body to heal as fast as it could para makabalik na ako sa trabaho. Staying at home with no one else other than a piece of metal beside me to help me walk is really agonizing.
"Thanks," tipid kong sagot sa pharmacist at binigyan ito ng hilaw na ngiti.
Napatili naman yung pharmacist at paulit ulit pang pinalo yung katabi niyang abala rin sa pag-aacomodate ng mga costumer.
"My gosh, nagsmile siya sakin!" bulong niya pa pero sapat na ang lakas nito para marinig ko. Nanlaki naman yung mata nung kasama niya na para bang hindi makapaniwala sa kaniyang narinig.
If I'm not mistaken, siya yung palagi nag-aacomodate sakin sa tuwing bumibili ako dito.
May araw pa nga no'n na nireto pa siya sakin ng mga kasama niya na kilig na kilig din no'n, tsk.
I turned around and faced the glass exit door with a smirk. Natawa lang ako ng konti sa inasal nila. Hindi pa rin talaga nawala yung taglay kong kagwapuhan, haha!
Napatitig ako saglit sa sarili kong repleksyon na bakas ngayon sa glass door..
Medyo magulo ang buhok ko ngayon. I forgot to brush it up like how I used to. Ang light gray ko namang hoodie ay masasabi kong bumagay naman sa moreno kong balat.
Kitang kita naman ngayon ang mabalahibo kong hita dahil shorts at tsinelas lang ang suot ko liban na lang sa plastic na bumabalot ngayon sa kaliwa kong tuhod.
Pero sa kabila ng lahat, napa iling iling na lang ako nang makitang may dalawang crutches nga pala ako ngayong bitbit sa magkabilang braso.
Tsk.
I went out of the pharmacy. Tumango pa ako sa security guard bago tuluyang makalabas. First time niya ata akong nakitang bumili rito na hindi naka uniporme na pampulis.
Nang makalabas na ako, bumungad sa akin ang napakaraming tao na nagkukumpulan. Mas marami pa ito kesa sa mga nakita ko kanina sa loob.
Napagtanto ko na lang ang rason nang makita ko ang isang poste ng traffic lights na natumba. Mukhang malakas nga rin pala ang hangin. Tiyak na mas mahihirapan ngayon ang mga nagmamaneho sa daan na 'to.
Napakamot na lang ako sa batok. Mabuti na lang talaga at nasa CIDG ako at wala sa Highway Patrol Group. At least, I don't have to deal with this kind of problems on the street.
![](https://img.wattpad.com/cover/230412836-288-k415422.jpg)
BINABASA MO ANG
I'll Save You Forever
Mystery / ThrillerWATTYS 2021 WINNER A young dedicated policeman vows to find the motive behind the death of a ghost who's also the ex-master of the crime group he has been hunting for years. *** After a dangerous police operation, Inigo Herrera, a young yet dedicate...