Kabanata XXIX

1.9K 112 2
                                    

INIGO

IBA'T IBA ang estado ng buhay.

Labandera ang nanay ko habang si tatay naman ay pa-raket-raket sa construction. Kahit mahirap kami, naipagmamalaki ko pa rin ang buhay namin.

Kahit mahirap kami, alam kong marangal ang trabaho ng mga magulang ko.

Akala ko magiging ganoon na kasimple ang buhay namin.

Pero mali ako.

Anong nangyari? Sampung taong gulang lamang ako pero nawala na ang lahat sa'kin. Namatay sina mama at papa matapos matupok ng apoy ang bahay namin. Tanging ako lang ang nakaligtas no'n. Kahit mga gamit man lang o damit ay hindi naging ligtas sa pagiging abo.

Tsk, buhay nga naman. Parang bagyo lang diba? Hindi ka dapat magsaya sa labis na init dahil tiyak na unos ang ibig sabihin no'n sa hinaharap.

Hindi kapanipaniwalang sa edad kong ito ay bukas na bukas na ang aking mata sa kung gaano ka saklap ang mundo.

"Ngayon, masisisi mo ba ako kung nagkaganito ako?" maluha luha kong bulong sa isang lalaking hula ko'y nasa lambing limang gulang. Payatot kasi kaya mabilis ko lang nacorner at napatumba.

Ngayon ay halos gumapang na siya sa magaspang na lupa habang ang kutsilyo ko naman ay nakatutok sa kaniya.

Gabi na at halos wala ng tao sa kalye na 'to. Hindi ko lubos akalain na naikwento ko yung buhay ko sa taong ihohold up ko.

"P-pero, hindi mo dapat yan ginagawa sa kapwa mo dahi—"

"Walang pero pero! Ibigay mo sa'kin ang pitaka mo kung ayaw mong makita ang sarili mong dugo sa kutsilyong 'to," sagot ko at mas idiniin pa ang kutsilyo sa leeg niya.

Konti na lang ay masusugatan ko na siya.

"F-fine, ayan! Yan na lahat ng pera ko! Please, pakawalan mo na ako," pagmamakaawa niya at inilabas ang isang itim na pitaka mula sa kaniyang tagiliran.

Napangisi ako matapos makita ang laman ng pitaka niya. Tatlong piraso ng isang daang piso at may apat na singkwenta.

"Mabuti naman at madali kang kausap. Huwag kang mag-alala, bibigyan ka rin ulit ng mga magulang mo," ani ko. Tumalikod na ako at iniwan na siyang nakaupo pa rin sa daan.

Hindi ko na yata mabilang kung naka-ilang biktima ako ngayong araw. Sa isang taong nakalipas matapos mawala ang mga magulang ko, tanging mga maduduming galawan na lamang ang nakakapagpabuhay sa'kin.

Madalas nanghohold up ako. May pagkakataon ring nauutusan ako para maghatid ng mga droga. Doon ako nakakakuha ng malaki kasi malaki rin kasi ang sweldo no'n.

Bihira lang raw ang mga katulad kong bata na pumapasok sa ganitong mundo. At gustong gusto nila yung bata kasi mabilis daw nakakasiksik sa mga bagay bagay kasi hindi kahina hinala.

Marahil nandidiri na kayo sa'kin dahil sa mga pinaggagawa ko. Masisisi niyo ba ako? Hindi niyo mararamdaman ang ganito kasi hindi niyo naman naranasan ang mga naranasan ko.

Kahit marangal o hindi, pantay lang ang mundo. May mawawala pa rin sayo sa hinaharap.

Maglalakad na sana ako papuntang palengke para bumuli ng barbeque nang makaramdam ako nang kamay na humawak sa balikat ko.

Masyadong mabilis ang mga sumunod na nangyari. Hindi ko na maigalaw ang dalawa kong kamay dahil may nakahawak na sa aking likuran. Para akong pinosasan pero kamay lang ang may hawak.

I'll Save You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon