Kabanata XVIII

1.8K 115 10
                                    

INIGO

EVERYTHING that's happening is getting more blurry each day. Para akong patuloy na sinasaksak ng sandamakmak na tanong but unfortunately, I never find answers.

Paulit ulit kong iniisip ang mga sinabi nung matandang lalaki. His words are driving me crazy. Ni hindi ko siya kilala pero animo'y kilalang kilala niya na ako.

Kung totoo mang may dapat akong malaman tungkol sa akin at kay Callista, ano 'yon?

Naimulat ko ang aking mga mata matapos kong marinig ang isang malakas na ugong na nanggaling sa aking likuran.

Imbes na dumiretso ang tingin ko sa kung saan galing ang tunog ay napunta muna ang mga mata ko sa nakasabit na wallclock.

It's already midnight.

Mukhang nasarapan yata ako sa pagtulog. Lumabas ako ng ospital kanina para bumili ng tubig at mga makakain. Nagkausap na rin kami saglit ni Karyll. I told her every believable thing that happened, which does not include Callista obviously.

Pagkatapos no'n ay bumalik ako dito sa kwarto ni Callista ngunit katulad ng inaasahan ko ay hindi pa rin siya nagigising. Kaya siguro nakatulog na lang ako habang naghihintay na magising siya.

I want to ask her everything. I want to be aware of what's going on.

"Aray!" narinig ko ang isang pamilyar na boses sa aking likuran. Sinabayan pa ito ng tunog ng isang nahulog na bagay kaya agad akong napalingon.

"Callista?"

Agad akong napatayo at tinulungan siya. Natumba pala yung galon ng tubig na binili ko dahilan para bahain ang mesa.

"Let me do it," I suggested but she raised her palm.

"Huwag na, ako na lang," tugon niya.

Paanong hindi ko siya namalayang umalis sa kaniyang kama? At gising na pala siya?

"Ako na nga kasi," lumapit ako at kumuha ng plastic cup. Kinuha ko na rin mula sa kaniya ang galon ng tubig.

"It's okay, kaya ko naman," nagpumiglas siya dahilan para mahulog na ng tuluyan sa sahig ang galon ng tubig.

"Sorry hindi—"

"Tangina, sabi kong ako na eh!"

fuck it. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Hindi ako dapat nagmura but I can't help it.

Gulong gulo na ang utak ko. Seeing her carrying the galon of water is too much for me to think of. Hanggang saan pa ba ang kaya niyang gawin? Don't tell me she's capable of being invisible and vice versa any time she wants? Tsk.

"Sabi ko naman kasing kaya ko eh," she rationalized pero mas lalo lang akong nainis roon.

"Kaya mo? Sa tingin mo ba natutuwa ako roon? Akala ko ba patay ka na? Why the hell are you acting as if nothing had happened?"

Hindi siya sumagot roon at sa halip ay yumuko na lamang siya. Dahil katabi lang naman ng mesa ang pintuan ng CR, kinuha niya muna ang basahan sa tapat ng pinto at nilagay ito sa nabasang bahagi ng sahig.

Napabuntong hininga na lamang ako roon. Hindi ko sinasadyang sigawan siya. I'm just carried away with confusion.

"Look, I'm sorry, hindi ko sinasadyang sigawan ka," nakapikit ako habang nagsasalita.

I suddenly felt guilt. Hindi niya ako sinagot at sa halip ay pinunasan niya na lang ang sahig dahilan para umatras na lang ako ng konti.

Hinayaan ko na lang din siyang makakuha ng tubig at makainom.

I'll Save You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon