NAKATITIG lang ako sa magandang mukha ni Diana habang busy siya sa pagso-solve. May activity kasi kami ngayon sa Math subject at by partner. Laking gulat ko nga nang sabihin niya na kami na lang ang magkasama—oo, hindi niya ako tinanong kundi dineclare niya agad. Sa dami ng mga babaeng bw*sit na nag-alok na maging ka-partner ang Diana ko, ako pa rin ang pinili niya. T*ngina, kinikilig na naman ako.
"Joyce." Tawag niya sa akin na nakapagpabalik sakin sa realidad.
"Hmmm?"
"Are you not going to help me solve these?" Walang emosyon niyang tanong.
"Ay sorry!" Saad ko at mabilis na kinuha ang ballpen at papel ko. P*nyeta, pahiya ako don ah.
Proud ako sa girlfriend kong to dahil saksakan siya ng talino. Samantalang ako, kung math ang pag-uusap—sisiw lang yan sakin. Yep, this is one of the things I'm f*cking great on. I'm a f*cking math genius. Kaya yun, we got a perfect score.
"You're good in math." Puri ni Diana sa akin.
"Di naman masyado." Parang t*nga na naman na sabi ko at iniipit ang ilang strands ng wig sa likod ng tenga ko. Bakit ba? E kinikilig ako e.
"You remind me of someone." Saad niya habang nakatingin sa malayo na parang may inaalala. Wait, natatandaan niya na ba na magaling ako sa Math?
"S-sino naman?"
"Yung ex ko."
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko—T*ngina! Ako ba yung tinutukoy niya?
"S-sino yun?"
"Si Sheera ng ABM 12." Tugon niya saka kinuha ang bag at sinukbit sa balikat. Kinuha niya rin ang kamay ko at hinila na ako palabas ng classroom namin.
F*ck naman oh! Akala ko ako na yung tinutukoy niya? Nabura na ba ako sa isipan niya? Di na ba niya naaalala ang Jayce Kingston na first love niya? Tsaka Sheera? Ngayon ko lang narinig ang pangalan na yon ah. Kung may Cheny, Aiza at Sheera na siya—F*ck, ilan na ba ang naging ex-girlfriends niya?
I cannot help but to be annoyed. I had been f*cking loyal to her even though I don't know where the hell she went. Tapos malaman-laman ko lesbian na siya—at playboy pa. F*ck talaga!
Huminto ako sa paglalakad at dahil nakahawak siya sa kamay ko ay napahinto rin siya. Nilingon niya ako—and as usual, wala pa ring emosyon ang magandang mukha ng girlfriend ko.
"Ilan ba talaga ang naging girlfriend mo ha, Diana?" Nakasimangot kong tanong.
"Uhm?" Naningkit ang mga mata niya na para bang inaalala niya. "I think around 78." Parang wala lang na tugon niya na ikinanganga ko.
Seriously? Sa loob ng isang taon na nawala siya naka-78 girlfriends siya? What the h*ck?
"Are you jealous?" Tanong niya na lalong nakapagpakulo ng dugo ko. Syempre! Boyfriend mo kaya ako!
"N-no." I lied.
Nagsimula na ulit siyang maglakad habang hila-hila ako. "Really? Then good, you'll be my 79th anyway."
If you enjoyed the chapter...
Please Vote, Comment, and Follow :)
BINABASA MO ANG
He as a Girl
Teen FictionJAYCE KINGSTON is desperate to win his ex-girlfriend's heart back. He can do anything and everything just to be with her---to the point that he disguised his self as girl and entered an all girl school just to follow her. But what will happen if he...