XVII

38 6 0
                                    

PAGOD akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Tinanggal ko ang wig ko at itinapon kungsaan. Hinubad ko ang suot kong black shoes na may heels at ginawang flying saucer. Isa-isa ko ring tinanggal ang suot kong necktie, blouse, at skirt. Hinugot ko rin ang mga foam sa dibdib ko at iniwan na nakakalat sa sahig.

Isang buwan na rin akong nagpapanggap na babae sa eskwelahan na ito. So far, ganon pa rin ang trato sakin ni Diana. Lagi niya akong hinihila at lagi din kaming magkasama. Para ngang nabaliktad ang role namin e. Dati kasi ganon ang kilos ko.

Labag man sa loob ko ay lagi ding nakapulupot na parang sawa si Lucah kay Diana. At para naman akong tinubuan ng buntot sa katauhan ni Jasper. Kaya ayun, kaming apat ang laging magkakasama. T*ngina, para kaming naging It girls ng Mary Clarisse Academy. Napag-alaman ko din na dati na pala talagang sikat ang tatlong yun dito—si Lucah bilang b*tch na mahilig na mam-bully at mang-alipusta ng kapwa estudyante. Si Jasper naman na ubod ng friendly at tropa ng buong school. At si Diana na emotionless girl na crush ng lahat—ewan ko ha, pero pakiramdam ko parang hindi lang ata yung girlfriend ko ang lesbian dito. I think everyone in this f*cking school are lesbians.

Dumiretso ako sa banyo at binuksan ang shower. Pumunta ako sa ilalim ng bumubuhos na tubig at pumikit. Hinayaan kong dumaloy ang tubig sa buo kong katawan. Baka sakaling matanggal lahat ng bw*sit na stress ko. T*ngina, ang hirap palang magpanggap na babae.

Yung feeling na tuwing hahangin, kailangan lagi kong sisiguraduhin na hindi lilipad ang palda ko. Hindi dahil takot akong ma-flash sa mundo ang suot kong panty kundi dahil nakasuot ako ng boxer. Kailangan ingat na ingat din ako sa suot kong pantalon o jogging pants—dapat laging maluwag at hindi fitted kundi may p*nyemas na babakat. Pati sa dibdib, iniingatan kong hindi nila mahawakan dahil malalaman nilang foam lang lahat. P*nyemas, nakikita ko pa naman ang classmates ko na nagsusukatan ng diddib. Tapos kailangan magkukunwari akong masakit ang puson ko dahil may mens ako—T*ngina, nagbibilang din ako ng kalendaryo kasi may mga asungot na nagtatanong kung meron na ako. Sh*t lang, kailangan talaga updated sila? Tapos isa pa tong boses ko, kailangan kapag nagsasalita ako mahina o pabebe. Kaya ayun, pinag-iinitan ako ng isa sa mga teachers namin, daig ko pa daw pipi. Eh kung i-request ko kaya kay Tita Margy na ipatalsik siyang p*tangina niya?

Napadilat ako nang may marinig akong kumalabog sa labas. Dali-dali kong itinapis sa ibabang bahagi ko ang tuwalya at lumabas. Bigla kong naalala na baka may makakita sakin at mabisto pa ang disguise ko.........pero huli na ang lahat.

"H-hi Jasper."

Nabitawan niya ang dalang libro at notebooks sa sahig at slow motion na itinuro ang ibaba ko. "Joyce? May lawit ka?"

F*ck.








If you enjoyed the chapter...

Please Vote, Comment, and Follow :)

He as a GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon