VI

42 7 0
                                    

NAKATAYO ako ngayon sa harap ng mga classmates kong puro babae. Dahil nga kasi transferee ako ay required akong magpakilala. Inilibot ko ang mata ko sa paligid pero wala akong nakita ni anino ni Diana—asan na naman kaya yun?

"Introduce yourself, Miss." Utos sa akin ng adviser namin.

Ngumiti ako. "Hi! I'm Joyce Crisostomo, 18 years old. Please take care of me."

"I will take care of you."

Lahat kami napalingon sa taong nagsalita at nakita ko naman si Diana na nakatayo sa bukana ng pintuan. As usual, wala pa ring emosyon ang mukha niya. Pero teka nga—tama ba yung narinig ko kanina? What the h*ck?! Is she hitting on this girl verion of me?!

"Miss Alizalde, you're late again!" Tila naiinis na sabi ng adviser namin.

"Yeah." Parang nabo-bored na pagsang-ayon ni Diana at dumiretso sa upuan sa pinakalikuran.

"I don't know what to do on you anymore, Miss Alizade! Kung hindi ka lang talaga matalino, ewan ko na lang." Pagsuko ng adviser saka ako binalingan. "You may now take your seat, Miss Crisostomo."

Tumango na lang ako at pumunta sa nagiisang bakanteng upuan—ang upuan sa harapan ni Dian. Bale nasa likuran ko siya nakapwesto. Sh*t, mas okay sana kung magkatabi kami.

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang maramdaman ko ang paghinga ni Diana sa tapat ng tenga ko. "Classmates rin pala tayo, neighbor."

Napalunok ako ng laway. "O-oo nga."

"Let's eat lunch together." Walang emosyon na lintaya niya.

Gaya nga ng sinabi ni Diana, sabay kaming kumain ng lunch. Pagkatapos kasi ng klase ay bigla na lang niya akong hinatak papunta sa Canteen. Kaya ayun, magkasama kami sa iisang lamesa. Naalala ko pa tuloy nong ayos pa ang relasyon namin, lagi kaming sabay na kumakain. Nakakabakla pero kinikilig ako, sh*t.

"You're blushing." Komento niya habang nakatitig sa mukha ko.

Agad akong napahawak sa mga pisngi ko. T*ngina, namumula ako?

"You know what, you look familiar..." Sabi niya na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko. Na-mukhaan niya ako? Kilala niya na ako?

"H-huh?" Parang t*nga na sabi ko.

"Parang nakita na kita dati." Dagdag niya pa at bahagyang naningkit ang mga mata niya.

"S-saan naman?" Tanong ko at nag-iwas ng tingin. D*mn, bisto na ba ako kaagad?

Hinawakan niya ang baba ko at pinaharap sakanya. "Sa panaginip ko. Ikaw yung babaeng napanaginipan ko na magiging bagong girlfriend ko."

Bumalik na ulit siya sa pagkain niya habang natulala naman ako. Bumanat siya sa akin? P*nyemas ang corny corny ah.

Nang matapos na kaming kumain ay kinuha niya na naman ang kamay ko at hinila ako pabalik sa classroom namin. Habang nakatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko, hindi ko maiwasang kiligin at magselos. F*ck! Ganito niya rin ba hawakan ang mga naging ex-girlfriend niya? In-imagine ko pa lang na may iba siyang hinawakan ng ganito ay parang gusto ko ng magwala sa sobrang selos ko. Ugh. F*ck!




If you enjoyed the chapter...

Please Vote, Comment, and Follow :)

He as a GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon