TAPOS na ang photoshoot at nagsi-alisan na rin ang mga crew at staffs. Kami na lang na mga 'models'—note the f*cking sarcasm—ang naiwan sa resort. Sabi kasi ni Diana ay mag-stay muna kami dito hanggang sa matapos yung tatlong araw na natitira sa one week vacation na binigay ng school. In favor yun sakin, magkakaroon ako ng chance na umamin sakanya.
Yep, balak ko ng umamin sakanya. I will finally tell her the truth...that I'm a f*cking man and that I'm her boyfriend—I mean, her ex-boyfriend.
"Hoy b*tch, are you not going to change?" Mataray na tanong sa akin ni Lucah.
Nagkayayaan kasi na mag-swimming at sa lahat samin, ako na lang ang nakasuot ng t-shirt at jogging pants. Puro mga naka-swimsuit na sila. Agaw pansin at pinagtitinginan na nga kami dahil sa mga kasama kong magaganda. Pero ako? Nasa iisang babae lang ang mga mata ko—kay Diana.
Naniningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan si Diana na naka-swimsuit. May ipinang-ibabaw naman siyang maluwang na puting t-shirt sa suot niyang pulang two piece pero kahit na! Hindi ko gustong nai-expose ang balat niya!
Tinignan ko ang mga taong nakapaligid sakanya at lalo akong na-bw*sit nang makita kong may mga lalaking halos magtulo laway na kakatitig sakanya. P*nyeta! Naghahanap ba sila ng away?!
"Hey, are you deaf, bitch?!"
Napaatras ako nang may malakas na sumigaw sa tenga ko. Naiiritang nilingon ko ang p*tanginang sumigaw sakin. At mas lalo akong nabw*sit nang makita ko ang mukha ng loka-lokang si Lucah.
Kahit kailan talaga, epal ang isang to.
"Hindi pero mabibingi ako sayo. Ano bang problema mo ha?!" Singhal ko sakanya.
Sinamaan niya ako ng tingin saka idinuro ang kabuoan ko. "I'm asking if you're gonna change because if you won't, kindly distance yourself from us! Ayokong may umaaligid na losyang at manang samin!"
Losyang? Manang? Porket naka-tshirt at jogging pants? Sino bang nagpauso ng kap*tanginahan na iyan? Hindi ba pwedeng conservative lang?
Pinandilatan ko siya ng mga mata at lumapit sakanya saka dumindig na para bang naghahamon ng away. "Hoy babae! Kung ayaw mo akong kasama, mas ayaw kitang kasama!"
Nanlaki ang mga mata ko matapos kong ma-realize na naging malalim ang boses ko. Sh*t! Nadala ako masyado nang emotions ko at nakalimutan kong nagpapanggap nga pala akong babae.
"Wait? Bakit parang naging panlalaki ang boses mo?" Naguguluhang tanong ni Lucah.
Napalunok ako ng wala sa oras.
"Is there any problem here?"
I instantly recognize that emotionless voice...
Humarap ako kay Diana at ngumiti. "Wala naman, nag-uusap lang kami."
"Ah." Napatango siya.
"Let's go, punta na lang tayo sa resto. Nagugutom na ako e." Hindi ko na inantay ang sagot niya at hinila na siya paalis. Iniwan namin si Lucah na hanggang ngayon ay mukha pa ring naguguluhan.
Sh*t. Kailangan ko na talagang umamin bago pa may ibang makaalam ng sikreto ko.
If you enjoyed the chapter...
Please Vote, Comment, and Follow :)
BINABASA MO ANG
He as a Girl
Teen FictionJAYCE KINGSTON is desperate to win his ex-girlfriend's heart back. He can do anything and everything just to be with her---to the point that he disguised his self as girl and entered an all girl school just to follow her. But what will happen if he...