XVIII

29 5 0
                                    

HINDI ko alam kung dapat ba akong matuwa o matakot sa ikinikilos ni Jasper. Prente kasi itong nakaupo sa sofa habang sumisimsim ng strawberry milk. Imbes na siya ang magulat ay ako pa ang nagulat sa kawalan niya ng reaksyon kahit nalaman na niyang lalaki ako. P*nyemas, sinapian ba ito ni Diana?

Matapos niya kasi akong tanungin kung may 'lawit' ako ay bigla na lang ako nitong inutusan na magbihis at pulutin ko daw yung mga kalat kong damit sa may pinto. Tapos ayun, parang wala lang na umupo sa sala ng Dorm room ko at inutusan pa akong ikuha siya ng mga matatamis na pagkain. T*ngina, feel at home lang ah.

Pero dahil nabisto niya ang sekreto ko, no choice ako kundi ang magpaka-good boy sakanya.

"Uhm? Jasper, hindi ka ba magtatanong?" Pag-umpisa ko, parang nasa pagkain na lang kasi ang atensyon niya. Sh*t, gutom na gutom lang?

Nilunok niya muna ang nginunguya na donut bago ako nilingon na para bang ngayon niya lang naalala na nage-exist ako. "Ano naman ang itatanong ko sayo?"

Nagta-t*nga t*ngahan lang ba talaga siya o ano?

"Why am I disguising as a girl? Why am I here in an all girl school? Yung mga ganong tanong." Iritable kong tugon. "And why don't you look surprised at all? Diba dapat naghe-hysterical ka na ngayon dahil may ka-schoolmate ka palang lalaki."

Inisang subo niya ang hawak na brownies. "Bakit naman ako maghe-hysterical? Eh matagal ko nang alam na lalaki ka."

Literal na napanganga ako—D*mn! Matagal na pala akong nabisto nito?!

"Ano? Kelan? Paano?"

Pinagpatuloy niya ang pagngata sa makukulay na macarons habang nakitingin sakin. "Noong kinausap kita sa flag ceremony, alam ko nang lalaki ka noh. Napansin ko kasi na maganda ka pero may mali—hindi feminine ang dating mo. Tsaka yung height mo, hindi ka naman kasi mukhang may lahing Western or Black. Kaya yung height na 5'11 ay medyo questionable para sa isang Asian girl. It's not that I'm saying na pandak tayong Asians—pero parang rare sa mga babae natin ang ganyang tangkad. Pati boses mo—paiba-iba. Minsan soft, minsan medyo mababa na di mo malaman. Hindi man halata sakin pero observer kaya ako."

She's right. She's a f*cking observer.

"Eh bakit hindi mo ako sinumbong o kinomprota man lang noon." Tanong ko.

Ngumiti siya. "Well, kaya ako laging nakabuntot sayo ay dahil lagi kong binabantayan ang bawat kilos mo—kung may masama ka mang gagawin. Pero bukod sa pagsusungit at pambabara mo e mukhang mabait ka naman at hindi manyak. Ni hindi ka nga pumapasok sa comfort rooms sa school e."

Tama na naman siya. Hindi talaga ako pumapasok sa banyo nila dahil kahit naka-disguise ako ay lalaki pa rin ako. Tsaka di ako manyak noh.

Talagang observer siya—to the point na parang nakakatakot na atang gumalaw. Dahil baka sa simple kilos lang ay nalaman niya na agad ang motives mo. D*mn.







If you enjoyed the chapter...

Please Vote, Comment, and Follow :)

He as a GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon