XXIII

29 3 0
                                    

MAGKASAMA kami ni Diana sa Elevator. Kaming dalawa lang dahil nasa 4th floor pa ang floor ng Dorm rooms namin habang nasa 1st floor naman sina Lucah at Jasper—and I'm f*cking thankful of that. Kasi kung katabi lang din namin yung sa kanila, lalo lang darami ang asungot samin ng girlfriend ko.

"Thank you." Biglang basag niya sa katahimikan.

Kumunot naman ang noo ko. "For what?"

"For saving me." Mabilis niyang tugon.

Napangiti ako sa pagpapasalamat niya at parang t*nga na iniipit ko ang ilang hibla ng wig sa likod ng tenga ko. "You're welcome—"

"But please don't do it again." Pagputol niya sa sasabihin ko pa sana. Sakto namang bumukas na ang Elevator at nauna na siyang lumabas. Ni hindi na niya ako nilingon pa at iniwang nag-iisa.

Ano naman kayang problema non?

Maaga akong gumising kinabukasan dahil umpisa na ng examination week. Syempre kahit nasa all girls school ako, kailangan ko pa ring tignan ang grades na makukuha ko.

Nang makalabas na ako sa Dorm room ko ay nilingon ko ang katabi kong pinto. Gising na kaya siya? Mag-aalas siete na rin kasi e.

Gaya nang nakagawian ko simula nang nag-aral ako dito, nag-iwan muna ako ng isang canned orange juice. Dumiretso na ako sa classroom namin at gaya ng inaasahan ko ay ako ang pinakaunang dumating. Tahimik kong inumpisahan ang pagre-review pero hindi pa lumilipas ang sampung minuto ay may bw*sit nang dumisturbo sakin.

"Good morning, Joy-joy!" Overly energetic na bati sakin ni Jasper saka naupo sa katabi kong upuan. Bahagya niyang sinilip ang binabasa kong libro. Napatango-tango siya. "Wow, nagre-review. Good girl na good girl ang datingan mo ah."

"Tigil-tigilan mo nga ako. Umalis ka na." Pagtataboy ko sakanya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa binabasa ko.

"Alam mo, medyo mapangnib na ata ang pagpapanggap mo." Saad niya na agad kong ikinalingon sakanya.

"What do you mean?" Kunot noo kong tanong.

"Yung kagabi, sa sobrang galit mo nakabugbog ka ng dalawang lalaki—which is hindi naman ata normal na gawain ng mga babae. Ang brusko kaya ng dating mo kahapon." Tugon niya. "Hindi ka ba natatakot na baka mabisto kanila?"

Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Oo, naging t*nga ako kagabi at nakagawa ng malaking k*tangahan pero kung hihinto ako ngayon edi lahat ng mga ginawa ko ay mauuwi lang din sa wala.

"I can handle myself." Buong loob na tugon ko. "How bout you, are you okay?"

Mukhang na-gets naman niya kung ano ang tinutukoy ko.

Ngumiti siya ng malapad. "Okay naman. So far, hindi pa ulit ako nagkakaroon ng urges na mag-binge eating. Normal lang ang pagkain ko lately."

"That's good to hear."

"Aalis na ako, andyan na ang love of your life e." Tumayo na siya sa pagkakaupo at nag-wave. "Bye."

Tumango lang ako sakanya.

Napangiti ako nang makita ko si Diana na naglalakad habang nagbabasa. Iniinom niya rin ang binigay kong orange juice.










If you enjoyed the chapter...

Please Vote, Comment, and Follow :)

He as a GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon