XXII

25 3 0
                                    

BINIGYAN ko ulit ng tigi-isang suntok ang mga mukha ng dalawang manyak na sumira sa moment namin ni Diana. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa tyan nong maraming tattoo saka ipinagpag ang mga kamay ko na para bang humawak ako ng napakaruming bagay. Inilibot ko ang mata ko sa paligid at doon ko lang na-realize na huminto na pala sa pagpapatugtog ang Dj at pawang nakatingin na sakin ang lahat-Sh*t, nadala ako ng galit ko. Nakagawa ako ng kat*ngahan!

"W-what was that?" Tila Gulat na lintaya ni Lucah habang nagpapalipat-lipat ang tingin sakin at sa dalawang duguan at walang malay na lalaki sa sahig. Hindi ko man lang napansin na nakarating na pala ito sa kinatatayuan ko. Masyado ata talaga akong nabw*sit to the point na hindi ko na aware sa paligid. Pero t*ngina naman kasi, sa dami ng mga pwedeng bw*sitin ay kami pa talaga napagtripan ng mga g*gong yun. Serves them right.

Magsasalita pa lang sana ako pero inunahan na ako ni Diana.

"She helped me because that guy with tattoo tried to sexual assault me." Tugon naman ni Diana na hindi man lang mahihimigan ng takot, inis, o galit. Kahit sa panahong ito, emotionless pa rin talaga siya.

"Sorry po mga Ma'am, we will take care of this problem." Paghingi naman ng tawad ng Manager saka inutusan ang mga bouncer ng bar na bitbitin ang dalawa para dalhin sa presinto. Wala na rin kaming nagawa kundi ang sumama na rin dahil kukuhaan pa daw kami ng statement.

"Eh ikaw kayang nambugbog samin! Amasona ka!" Galit na sabi nong lalaking naka-ponytail habang dinidikit ang icepack sa pisnging namamaga at halos nagkukulay talong na.

Palihim akong napangisi nang makita ang mga kasalukuyan nilang estado. T*ngina, wala pa rin talaga akong kupas. Magaling pa rin talaga akong makipagbasag-ulo.

"Ipinagtangol ko lang ang kaibigan ko." Medyo naiinis ako don sa word na 'kaibigan' pero hindi ko na lang ipinahalata. Pinunasan ko kunwari ang luha sa gilid ng mata ko. At sinadyang pahinain ang boses para magmukha akong natatakot. "Alangan naman na panoorin ko na lang kayo na ginagawan niyo ng masama."

"Sinungaling ka! Sigurado akong sinadya mo yun! Gusto mo talaga kaming bugbugin!" Giit noong lalaking puno ng tattoo at napatayo pa saka hinampas ang lamesa.

Angas pa rin talaga ng g*go na to kahit nagulpi na ah.

"Tumigil na kayo, Macarrios at Sandoval, alam na namin ang totoo. May witness na nakakita sainyo at nahagip din kayo sa CCTV nong hina-harass niyo ang mga babae na ito." Saad ng Pulis.

Pinaalis na din kami ng mga kasama ko habang nag-piyansa naman ang dalawang asungot. Pero nong nakita kong hindi nakatingin ang mga kasama ko ay sinenyasan ko ang dalawa, iminuwestra ko ang daliri ko sa leeg ko-ipinapahiwatig kong patay sila sakin kapag nagkita pa kami ulit.

Sisiguraduhin kong kapag nag-krus pa ang landas namin ay talagang lagot sila sakin.




If you enjoyed the chapter...

Please Vote, Comment, and Follow :)

He as a GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon