NAKAKUNOT ang noo ko habang nakatingin sa mga babaeng nakapalibot sa akin. Mga pito sila and yeah, magaganda naman. Pero syempre, wala pa rin sila sa kalingkingan ng girlfriend ko.
"Ano bang kailangan niyo sakin ha?" Naiinis na tanong ko. Abala kasi ang mga bw*sit na to. Bigla na lang silang humarang sa dadaanan ko.
"Aba! Mataray ka pala, newbie." Maarte na sabi nong babae na blonde ang buhok.
"Pero kapag kasama si Dy, kung makaasta akala mo kung sinong anghel." Dagdag naman nong babaeng makapal ang make up.
"Ano na? You're wasting my time." Sabi ko habang pilit na kino-control ang boses ko. Mahirap na, kapag sumigaw ako o mawala ako sa concentration baka maging panlalake ang boses ko. Mabibisto nila ako.
F*ck! Baka ma-late pa ako nito.
Imbes na sagutin ay nagsipagtabi sila sa magkabilang gilid. Habang may babae naman na naglakad sa gitna ng mga babae. Maganda rin siya, matangkad—at sexy. But then, Diana is still the prettiest for me.
"So, it's you." Sabi ng babae habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
Okay—what the f*ck is her problem?
"Me? What?" Kunot noo kong tanong.
Hindi niya ako madadaan sa ganda ganda niya lalo na't nabw*-bw*sit na ako ha.
"Huwag ka nang mag-maang mangaan, b*tch."
B*tch? Tinawag niya akong B*tch? P*nyeta, lalaki ako.
"I still have a class, Miss. So if you are playing around then don't count me in, I have important things to do." Naiirita kong sabi at lalagpasan na sana sila pero hinawakan ng dalawang babae ang braso ko dahilan para mapatigil ako. Sh*t! Buti na lang pala nagsuot ako ng blazer na pamatong sa uniform ko kundi nakapa na nila ang mga ugat-ugat ko sa braso.
"Not so fast, girl." Nakangisi ang labi niyang pulang-pula sa lipstick.
Hindi ako pumapatol sa babae. Pero kapag sumubra na tong mga to mabibigwasan ko na talaga sila. Total, naka-disguise naman ako bilang babae, bakit hindi ko pa lubos-lubosin?
"Ano ba talagang—" Agad akong umilag nang akmang sasampalin niya ako. Malaki ang tinangkad ko sa kanya pero mukhang mahahaba ang mga kamay niya at maaabot niya ang pisngi ko. Bw*sit talaga.
"Wow, fast ka pala." Tumatawang komento niya pero agad ding napalitan ang ekspresyon ng mukha nito at naging seryoso—woah, that's creepy.
"You are seducing my Diana!" Galit niyang paratang sakin at dinuro pa ako.
Diana? Teka paano napasok ang girlfriend ko sa usapan na to?
Akmang sasampalin niya ako pero mabilis akong kumilos. Itinulak ko ang dalawang babaeng nakahawak sa braso ko papunta doon sa babaeng makapal ang lipstick. Kaya ayun, tatlo silang napasalampak sa sahig.
"Babe!" Mangiyak-ngiyak na hiyaw ng babae habang nakatingin sa likuran ko kaya napalingon din ako sa taong tinatawag niya.
"Lucah," Walang emosyon na usal ni Diana.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sakanila. Babe? Lucah? Diana?
Don't f*cking tell me that she's one of my girlfriend's ex-girlfriends?!
If you enjoyed the chapter...
Please Vote, Comment, and Follow :)
BINABASA MO ANG
He as a Girl
Teen FictionJAYCE KINGSTON is desperate to win his ex-girlfriend's heart back. He can do anything and everything just to be with her---to the point that he disguised his self as girl and entered an all girl school just to follow her. But what will happen if he...