XIX

30 5 0
                                    

PAREHAS na kaming nakaupo ngayon ni Jasper sa sala. Hanggang ngayon ay kain pa rin siya ng kain habang ako naman ay busy sa pagsagot ng assignment niya sa Math. P*nyemas kasing babaeng ito, pumunta pala dito sa Dorm room ko para magpagawa ng assignment—at ako namang si t*nga nakalimutang isara ang pinto dahil sa kapaguran ko.

But then, kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil siya ang dumating. Baka kasi kung si Lucah ay ibinuko na agad ako kay Diana—obsess pa naman ang loka-lokang yon sa girlfriend ko. And worst, kapag si Diana naman ay talagang game over na ako. F*ck, hindi pa pwede.

"Okay ngayon, itatanong ko na. Bakit ka nga ba kasi nandito, Joyce? Wait, ano nga palang totoo mong pangalan? Don't tell me Joyce ang birthname mo?" Tuloy-tuloy niyang tanong kahit ang atensyon niya naman ay nasa kinakain na chocolate cake—Is she f*cking serious? Wala bang kabusugan ang babaeng to?

"Jayce Kingston is my real name." Tugon ko naman habang sino-solve ang huling equation.

"Wow—Jayce, Joyce. Hindi nagkakalayo." Komento niya.

Isinara ko na ang notebook at inilapag ko na ang ballpen nang matapos na ako. "And to answer your first question, I'm here because of Diana. I'm her boyfriend—okay fine, ex-boyfriend niya. I want us to be together again pero pinagtataguan niya ako kaya sinundan ko siya dito. Gusto kong mag-sorry sakanya pero hindi ko pa magawa ngayon, humahanap pa ako ng tamang tiyempo."

Ibinaba niya na rin sa wakas ang hawak na pagkain at naitakip ang kamay sa bibig. "Seryoso? Ex ka ni Dy? Oh my gosh! Nagka-ex siya ng lalaki? Akala ko talaga pure blooded lesbian siya."

Pure blooded lesbian? What the h*ck?

"Yes I'm her ex-boyfriend at ako ang first love niya." Proud kong dagdag.

Tumango-tango siya at muli na namang dinampot ang binitawang cupcake. "If you don't mind, can I ask the reason of your break-up?"

Napasandal ako sa inuupuan kong sofa at mapait na napangiti. "Secret na lang muna yon. Hindi kasi naging malinaw ang lahat sa pagitan namin—gusto ko munang ipaliwanag sakanya. Gusto kong siya ang unang makaalam at makaintindi sa misunderstandings namin."

"Okay, pasensya na. Sa inyo na muna yan. Umiral na naman kasi ang pagiging curious ko e." Ngumiti siya. "Speaking of secret, may sasabihin akong secret pero atin lang ito ah."

Kumunot ang noo ko—ano naman kayang sekreto yan?

Tumango ako.

"Naalala mo yung sinabi naming may model kami sa Black Heels Agency na may eating disorder—si Lucah yon. Anorexic siya, takot siyang kumain dahil takot siyang tumaba. Kaya lagi siyang binabantayan ni Diana tuwing lunch dahil hindi yon kumakain."

"I see."

"Pero itong next secret ko—ikaw lang ang makakaalam."

Tumango ako ulit.

"Bulimic ako."

Kumunot ang noo ko hanggang sa matandaan ko kung ano iyon.

"You mean you—"

Ngumiti siya habang tumatango. "Yes, I force myself to vomit after eating."

D*mn.








If you enjoyed the chapter...

Please Vote, Comment, and Follow :)

He as a GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon