SABADO na ngayon at eto ako nakahilata pa rin sa kama ko. Pinag-iisipan ko kasi kung uuwi ba ako o hindi. Well, every weekends, we can choose either we want to go home or stay here in the dorm.
Kung uuwi ako, wala naman akong maaabutan na tao sa bahay. Just like Noah and Tita Margy, Dad is also a workaholic. Kulang na nga lang sa office na siya tumira. Habang si Mommy naman, busy din—busy sa kaka-shopping. Ironic, right? Si Dad trabaho ng trabaho para kumita ng pera habang gastos naman ng gastos si Mommy.
Kung magi-stay naman ako dito sa room ko sa Dorm, wala namang problema. Parang condo style kasi ito, may isang bedroom, sariling bathroom, kitchen, living room, at may veranda pa. It's also complete in appliances and furnitures—tsaka alam ko naman na pinaganda talaga ito ni Tita Margy para sakin. Spoiled ako non e.
But then, nakaayos babae pa rin ako ngayon. Nakasuot ng jogging pants at maluwag na sweatshirt. Just in case, na may kumatok sa pinto ko.
And speaking of the sh*t...
Nakarinig ako ng mga katok sa pinto. Sino naman kaya yan? Tinatamad akong bumangon at binuksan ang pinto. Pero nawala din lahat ng nararamdaman kong pagkairita nang makita ko kungsino ang kumakatok.
"Good morning, Diana." Nakangiti kong bati.
Pinagmasdan ko ang itsura niya at lalong lumawak ang ngiti ko. Ang ganda-ganda niya talaga kahit simpleng hoodie, ripped jeans, at sneakers lang ang suot niya. Naka-ponytail din ang mahaba niyang buhok. Sh*t, she's so pretty.
"I told you, call me Dy." Giit niya.
"Yep. Pero pwede bang Diana na lang itawag ko sayo? Ang ganda kasi ng pangalan mo. Kapangalan mo yung Italian goddess of forest and childbirth." Pamimilit ko.
"You know what, I already heard about that definition of my name." Sabi niya na nakapagpabilis na naman ng pagtibok ng puso ko. Ako yung nag-define ng name niya noon. Mababanggit niya na rin ba sa wakas ang pangalan ko?
"Kanino?" Tanong ko naman.
"Sa parents ko."
Agad na kumunot ang noo ko. Bakit ba kapag gumagawa o nagsasabi ako ng mga bagay na ginawa ko noon ay sasabihin niyang may naaalala siya—pero hindi ako yung imine-mention niya. P*nyemas, nagka-amnesia ba itong si Diana at ni hindi man lang niya ako maalala? O ganon na lang ba talaga siya kagalit sakin at ni pangalan ko man lang ay hindi niya mabanggit? D*mn, nakakabaliw na!
"Do you need anything?" Tanong ko na lang dahil baka mai-voice out ko pa ang mga iniisip ko.
"Nothing really. I just want to ask you if you want to go to the Mall." She said with a straight face—f*ck, I really miss seeing her emotionless pretty face.
Napangiti ako. "Of course! At dahil one week na ako dito sa Mary Clarisse Academy—let's celebrate! I'll treat you a lunch."
Sh*t, it's like we're having a f*cking date!
If you enjoyed the chapter...
Please Vote, Comment, and Follow :)
BINABASA MO ANG
He as a Girl
Novela JuvenilJAYCE KINGSTON is desperate to win his ex-girlfriend's heart back. He can do anything and everything just to be with her---to the point that he disguised his self as girl and entered an all girl school just to follow her. But what will happen if he...