PAKIRAMDAM ko para akong kasali sa isang contest. Kanina pa kasi kami nagpapaligsahan ng loka-lokang si Lucah sa pagpapa-impress kay Diana. At syempre, hinding-hindi ako magpapatalo.
"Do you want some mineral water, Babe?" Alok ni Lucah at ipinakita ang hawak na bottled water.
Inilabas ko din ang dala kong canned orange juice. "Juice, you want?"
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Diana sa dalawang inumin na hawak namin. Tila ba nag-iisip ito kung alin ang pipiliin.
"Tumigil ka nga, babae. Nakakataba yan, ang daming calories niyan." Paninira ng loka-loka sa offer ko.
Kunot noo ko siyang tinignan. "Tumigil ka din. Nasa byahe tayo ngayon, ang kailangan ng isang tao ay energy. At calories ay nako-convert into energy, okay?"
Magbabangayan pa sana kami pero pinatigil kami ni Diana at sinabing hindi daw siya nauuhaw.
"Sandwich gusto mo? Meron akong peanut butter and jelly, tuna, cheese and bacon, at mayonaise filled sandwiches." Itinaas ko ang patong-patong na Tupperware na naglalaman ng mga sandwiches na ako mismo ang gumawa. Ang aga ko talagang gumising para lang i-prepare ang mga to.
"Sandwiches? Alam mo ba kung gaano kataas ang calorie content niyan? Balak mo bang patabain ang Babe ko ha?" Kontra naman ni Lucah.
Bw*sit, atribida talaga ang babaeng to kahit kailan.
"Eh ikaw, balak mo siyang gutumin?" Nanghahamon na balik ko.
"Of course not! That's why I prepared some plain salted crackers. Low in calorie." Pagyayabang niya at ipinakita ang isang Tupperware na puno ng crackers.
Nagsimula na naman kaming mag-kontrahan ngunit pinatahimik kami ulit ni Diana. Hindi pa daw siya nagugutom.
"Gusto mo ng unan? Lagay mo diyan sa leeg para hindi ka magka stiff-neck." Saad ni Lucah at inilabas ang dalang unan na panglagay sa leeg.
P*nyemas, handang-handa talaga ang babaeng to ah.
"Earphones? Relaxing ang music ko, makakatulog ka ng mahimbing." Alok ko naman at inilahad ang earphones na nakakabit sa phone ko.
"I neither need nor want anything. Just stay quiet and let me sleep." Walang emosyon na lintaya ni Diana saka tinakpan ng towel ang mukha.
Parehas kaming napahiya.
Nagkatinginan kami ni Lucah at para bang nagkaroon ng palitan ng kuryente ang mga mata namin. Nang bigla niyang inilabas ang dila at inulit ang bahagyang paghila sa ibabang parte ng mata. Halatang bw*ni-bw*sit niya talaga ako.
Gumanti rin ako at pinanlakihan siya ng mga mata. Kinagat ko pa ang ibabang labi ko para i-emphasize ang inis at gigil ko sakanya.
Luckily, nasa likuran kami kaya walang makakakita ng mga ginagawa naming kat*ngahan.
Lumipas ang halos apat na oras ng byahe at nakarating na rin kami sa wakas sa Beach Resort. Dali-dali kaming nagsilabas at agad naman kaming sinalubong ng hangin na may simoy ng tubig dagat.
El Cameron De Vida Beach Resort, iyan ang pangalan ng Beach Resort na ito.
And sh*t lang, dahil ngayon ko lang na-realize na sa pamilya pala ito nina Tita Margy.
F*ck.
If you enjoyed the chapter...
Please Vote, Comment, and Follow :)
BINABASA MO ANG
He as a Girl
Teen FictionJAYCE KINGSTON is desperate to win his ex-girlfriend's heart back. He can do anything and everything just to be with her---to the point that he disguised his self as girl and entered an all girl school just to follow her. But what will happen if he...