charot lang syempre hinde ako umiyak anoba
Nagulat lang pano ba naman kasi biglang may lumipad na ipis akala ko pa naman clean kitchen toh dirty den pala
habang eto ngayong Gabingot nato tawa ng tawa sa reaksyon ko malapit kasi sakin lumipad pakain ko sakanya yon e
"sige tawa kalang" sabi ko
"amputa, antaraytaray mo tapos takot ka sa ipis"lalong pagtawa niya
" pakain ko sayo yan tamo"
"takot kanga e pano mo mahahawakan"
"ah Ezebelle maldita takot sa ipis" lalong pagtawa niya
"andumidumi mo kaya siguro may ipis dito e"
"eh wala takot kalang sa ipis"
"anyare?" bigla bigla talagang nasulpot toh si Elisha wrong timing
"HHAHAHQ kase yang babaeng yan takot sa ipis"si Gabingot
"potcha babae den naman ako pero hinde ako takot sa ipis"
Bully tong magkapatid nato sarap palayasin sa sarili nilang pamamahay e
"bwiset kayo uuwi nako"
wala silang pake tawa lang sila ng tawa amp
"kahit takot ka sa ipis hahatid paden kita" Gabingot nato
"ah Oo nga pala sabi ni Matt napasa na niya yung project naten" si Elisha "ingat baka may ipis sa car ni kuya" pagtawa niya
5:00 pm palang naman
Nakatingin lang ako sa bintana pano ba naman kasi tong Gabingot nato kanina pa nakanta
"Si Ezebelle maldita takot sa ipiss whooaaa"
With matching papapikitpikit pa
buong byahe hinde ko siya nipapansin dahil nakakasura ang pagkanta niya nakakabwiset, nakarating na kami sa bahay at kumunot ang noo ko ng pati siya bumaba sa sasakyan
"bakit ka nababa? Maglalakad ka nalang pabalik? Exercise ganun? sabagay baboy kana kase" kahit hinde naman
"bonak papasok ako syempre, ganan pa epekto ng ipis sayo" masyado siyang masaya ngayong araw ha
Nakita ko naman sila mommy at daddy pati si kuya nasa living room lahat
"good afternoon po" si Gab
"good afternoon ijo" si Mommy "mabute naman at naihatid mo si Belle kamusta pagbabake?" aba alam pala nila
Nakakunot ang noo ko habang humahalik kila mommy at daddy tsaka tumabi si kuya
"ayos naman po" kita ang pangaasar sa pagsasalita niya
"good to hear" si mommy
Ngumiti lang siya
"ah by the way ijo pede ba tayo mag usap?" naguluhan ako lalo nung nisabi yun ni daddy, ay close sila ganorn
Gab nooded
Umakyat nalang ako sa kwarto ko ng may pagtataka paden gash
Nagipit ako ng buhok para presko bago kunin ang phone ko sa table ko para mag wattpad, kita ko sa bintana ang sasakyan ni Gabingot na paalis na, kaya naisipin ko siyang itext..
"thankyou pala, ingat kahit busangot ka sa buhay ko"
Ang bilis magreply ha
"no problem takot sa ipis" oh deba dapat hinde kona toh nitext e
