Magisa akong pumunta ngayon dito kung saan daw nilibing si Killian
Nagdadalawang isip pa ako kung tutuloy ba ako pero parang hindi ko kaya
Nakailang balik ako papasok labas ng sasakyan pero nipilit ko ang sarili ko para mabisita siya
walang tumatakbo sa isip ko kundi siya lang at ang mga nikwento nila Shantel habang nakatitig ako sa pangalan niya
Panaginip lang toh noh?!
Grabe gisingin niyo na naman ako oh
Nanginginig ang kamay ko habang dahan dahan na nihaplos ang lapida niya
pilit ko pading niisip o nialala ang mga naikwento sakin dahil hanggang ngayon niisa ay wala pading nagsisink in sakin
ayokong maniwala, ayoko, pero pano ko malalagpasan toh kung hindi ko tatanggapin
kailangan kong tanggapin ito para makapagsimula ulit
Makapagsimula? Makapagsimula ng... Wala siya?
Niisip ko palang ay nanghihina na ako at hindi ko kaya
ang pagkakakwento saakin ni Shantel ay
Anniversary namin noon at lumbas kami pauwi na kami noon ng biglang mawalan ng preno ang sasakyan namin, hanggang ngayon ay hindi ko maintindihanSa bangin daw kami bumagsak buti nalang daw at maraming nakapansin kaagad dahil kung hindi ay pati ako nawala, Nacoma ako ng 1 year.
Panaginip lang lahat yun?panaginip ko lang habang nasa coma ako? Buong taon ay nanaginip lang ako?
Ayoko mang maniwala na wala na talaga pero kailangan
Tuluyan ng tumulo ang mga luha kong kanina ko pa nipipigilan
"h-hey, bakit ka naman nang iwan?" garalgal ang boses ko habang nakatingin sa langit
Ayokong ipagpalit siya, kung sakanya ay gusto niyang mag boyfriend o mag asawa ako ng iba para sumaya ako, ayoko.
Sapat ng siya lang ang mamahalin ko habang buhay at hindi iyon magbabago.
End
"walanjo?! Bakit pinatay mo ako?!" nanlalaking matang asik ni Killianong ugok sa kapatid niya
Nagkibit balikat naman si Elisha habang nakangisi pa
"Nakigamit ka nalang ng love story namin, pinatay mo pa ako?!" hindi padin makapaniwala ang lalaking ugok
Habang ako ay nikukuhaan lang siya ng picture dahil ang cute ng reaksyon niya
Oo, nisulat ni Elisha ang love story namin, niiba lang yung ending, loka loka tong babae nato
Mayroon ng 10.8 Million reads ang nisulat niya, balak niya din na isulat ang love story pa ng iba naming tropa at ihuhuli daw niya ang kaniya para kavog
Parang ayoko na tuloy sumakay ng kotse, maglakad nalang kami palagi para healthy
"Tara na nga, wag mong kausapin yan ha" paglapit sakin ni Killianong ugok habang nakanguso
"Arte mo! buti nga hindi ko nigawang marahas ang pagkamatay mo" pag ganti ni Elisha
Magkapatid talaga tong dalawa nato, parehas kurikong
"Hoy! 1 2 3 sana hindi magkatotoo" pag katok pa ni Killianong ugok
"tss, bilisan mona! Gusto ko ng makita!" pagaaya ko sakanya, ipapakita na niya sakin ang buong bahay
Kumpleto na daw ang mga gamit doon
Ultimo magnet ng ref ay bumili na din siya
"Excited toh, akala mo naman ay hindi siya doon titira" pagirap sakin ni Elisha kaya agad siyang nibatukan ni Killiangot
