pota pahinga ba tawag jan? landi tawag jan e mamimili nalang mukha pang clown amp
nawalan nako ng mood gumala
"sa bahay nalang tayo" walang ganang sabi ko, at agad naman silang napatingin sakin
"ano? Pakiulit? gusto mong ipaban kita dito sa mall nato?" si Shantel
kita ko ang pagkunot ng noo ni Eli
"bakit? Aya aya ka tapos aayaw ka, iba ka bruh" sabi niya at inirapan kolang siya
"may toyo may toyo" si Elisha
"napakaano netong babaeng toh" si Shantel
Aakma nakong aalis pero napatingin ako dun da dalawang linta, laking gulat ko ng napatingin din sakin si Gab kaya agad akong umirap at umiwas ng tingin
kita ko ang pagsunod sakin ng apat nato at agad ko silang nilingon ng nasa labas na kami
"akala koba ayaw niyo?" sabi ko
Akma silang babalik sa loob..
"de joke lang arat na"
"para kang Zebby na nausog ulol" si Eli
Inirapan ko siya, kase naman sasama din pala napakaaarte pa psh
nagpadeliver nalang kami ng mcdo libre kopa jusko at balak nalang namin manood ng W uulitin lang namin apakaganda kasi talaga
kung ano anong nigagaw netong mga ungoy nato habang niintay ang delivery, potcha parang sila may ari ng kwarto ah, hahagis ko toh sa binta, agad silang natigilan ng marinig ang door bell ayun na ata ang delivery, nitaasan ko sila ng kilay..
"ano? Walang sasama sakin?" nanlalaking mata kong tanong
agad naman silang nagmaangmaangan ulit na may kaniya kaniyang nigagawa jusko kung wala lang kaming nipagsamahan ng mga toh bura na mga mukha ng mga toh sakin
agad akong bumaba para kunin yun malamang alangan magkusa yon
Pagbalik kong kwarto napairap nalang ako ng makitang para silang mga aso na nakatapat na sa papanoodin namin na nagaantay ng pagkain bwiset
nagsimula na kaming manood habang kumakain huhu eto na yung nakakaiyak na scene, yung nisabi ni Kang Chul na gawin nalang panaginip ang lahat, alam moyun yung mahal mona tapos biglang mawawala nalang ng ganun ket ilang beses kona napanood toh naiiyak padin ako nitatakpan ko ang mukha ko dahil baka mavideohan na naman ako ng wala sa oras napatingin ako sakanila at nawala ang lungkot ko ng nakita ko ang tatlo na naiyak din habang si Eli seryoso lang ang mukha
natigilan ako ng tumunog ang phone ni Elisha, nipause ko muna ang video, napakatagal niya magbasa ha totoo nag grade 1 batoh? dahil nga napakatagal ipplay ko na sana ang video ng..
"ah ano Belle alis na kami" naanong sabi niya
Napakunot naman ang noo ko sa nisabi niya
"ah ano kase basta alis na kami diba? Diba?" sabi niya ulit
Bakit naman sila aalis kagad? tumayo na sila ngunit may pagtataka din sa mukha ng tatlo pero nagpapahila naman mga bobo
May sasabihin pa sana ko bago sila lumabas ng kwarto pero..
"babawi kami promise basta kailangan talaga naming umalis mahal ka namin" sabi ni Elisha
Dala dala pa ni Shantel ang fries niya napakakapal ng hilatya ng mukha neto
hanggang sa nakalabas na sila nagtataka padin ako, mga mapangiwan amp, lagi nalang akong niiwan char ako pala ng iiwan char ulit
ipplay kona sana ang next episode ng biglang may mag door bell
