Huminga ako ng malalim at tinignan ang itsura ko sa salamin
Ngayon lang ako nag ganto
hindi ko alam kung bakit kailangan kong magsalamin, hindi naman ako banlag, tss
Basta ang sabi lang sakin nila Mommy ay magsalamin muna ako
Pangsamantagal
Sino naman kaya ang kakausapin namin ngayon at bakit kailangan ay kasama pa ako
Kailangan ba nila ng poging kausap?
"Kuya bumaba kana daw, sabi nila Mommy" Nanlalata pang sabi ng kakambal kong panget
Hindi ko alam kung kakambal ko ba talaga yan, baka pinapalabas lang nila noh, ang panget eh, syempre joke lang
Maganda ang lahi namin at sakin nagmula iyon
Pag ako nalate sa usapan namin ng dalawa kong abno na kaibigan, nako
Syempre okay lang yun.
"Mom-" naputol ang sasabihin ko habang pababa ako ng hagdan ng makita ko kung sino ang kausap nila Mommy
"Son, umupo ka muna" pagtapik ni daddy sa tabi niya
Awtomatiko nalang akong napaupo doon, habang hindi padin naalis ang tingin ko sa mga.... Magulang ni Belle
Nasisigurado kong sila iyon, dahil saulong saulo ko lahat tungkol kay Belle
"Killian ijo" ngiting ngiti pang sabi ni Momm- este Tita
"S-si Belle po?" gustong gusto ko na ulit siya makita
Napaubo ang daddy ni Belle kaya agad akong napatingin sakanya
"Ah ijo, hindi na naman pahahabain ito, nakausap na namin ang mga magulang mo tungkol dito, gusto naming humingi ng pabor sainyo" mahinahong sunod sunod na saad ni Tito
Habang sila mommy at daddy ay hindi kumikibo
"Ijo, magpanggap ka muna na hindi mo kilala si Belle"
Nagulat ako ng sabihin iyon ni Tita pero hindi ako makaangal
"kaya medyo, may maiiba sa pananamit mo o ano man para hindi ka makilala ni Belle" pagpapatuloy niya. "Sana ay maintindihan mo ijo, ng malaman namin na parehas kauo ng pagpapasukan ay hindi na kami nagdalawang isip na sabihin iyo sa mga magulang mo"
Ano?! Parehas kami ng pagaaralan? Walanjo! ayos na ayos, okay na sakin, may ibang pabor pa po ba kayo, sabi ko sa isip ko dahil gustong gusto ko na ulit siya makita kahit pa sa ganitong paraan
"Dadating din ang panahon, makakalaya kadin sa ganto, mas masarap ang pakiramdam kapag nalagpasan mo ang isang bagay ng pinaghirapan mo" pagtapik ni tito sa balikat ko
Mas masarap ho ang anak niyo.... Kasama
"para sainyo din ito ijo" dagdag ni Tita
"thankyou" pagbeso nila mommy at Tita
Yiee magbalae
Katulad ng dahilan nila saakin dato noon kaya nagtampo ako kay Belle nun dahil aalis sila, sabi ng parents niya ay pata sa kaligtasan din ng lahat yun
ng makaalis na sila ay halata kila Mommy na gusto pa nila akong kausapin
"Mommy, wag na late nako, babye aalis na po ako" pagmamadali ko pa dahil late na talaga ako
Geez, okay nato noh atleast makikita ko na ulit siya, pero hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nagkita na ulit kami, kung mahaharap ko ba
baka mahimatay nalang ako bigla