Wala akong ibang niisip kung din ang makapunta lang doon kaagad
Hindi ko siya nitext kung andun ba siya or nisabihan ng pupunta ako dun
Mabuti nalang ay mabilis akong nakarating doon
huminga ako ng malalim at sa malayo kona nipark ang sasakyan ko
Napa 'yes' ako ng matanaw ko ang lalaking ugok na nakasandal sa sasakyan niya
Dahan dahan akong naglakad palapit sakanya
"Picka Boom!" pang gugulat ko sakanya at tumawa
Napatigil ako sa pagtawa ng lumingon lang siya sakin at walang nagbago sa ekspresyon ng mukha niya
Ano ba naman yan gusto ko pa naman ay maging kamukha niya si Pororo na may halong dugo ni Damulag na laging nibubully si Nobita na nipagtatanggol naman ni Doreamon na paborito ni Jeydon abnormal na pusang robot. Pero wala!
Nisamaan ko siya ng tingin at nibalik ang pagkapwesto niya kanina
"gugulatin kita" nagbilang pa ako sa isip ko
"Picka boom!" humarap ulit siya saakin ng walang kwenta ang pagmumukha
"Magugulat ka dapat!" singhal ko
Napairap ako at tumabi nalang sakanya, walang kwenta gulatin toh
"Belle" nitignan ko siya ng banggitin niya ang pangalan ko
"Maganda"
"Belle"
"Sexy"
"Ezebelle"
"Matangkad"
"umayos ka ha" hehe
"ano ba kasi yun?" sabi ko habang nakangiting inililibot ang paningin ko
Ngayon nalang ako nakapunta dito! Miss kona tong lugar nato sana miss niya din ako
"Bakit ka andito?" aba bakit bawal ba?!
"bakit? Sayo bato? May nakalagay bang pangalan mo dito? Purket dito moko niligawan ay bawal na ako dito, purket lagi tayo nagpupunta dito noon ay bawal na ako dito, purket panget ka ay magiging madamot ka na din, purk-" natigil ko ang pagsasalita ng takpan niya ang bunganga ko, gash ang baho ng kamay
Mabash nga toh, sabihin ko balasubas ang baho ng kamay tignan natin kung hindi iban toh sa YouTube
"hindi ka na galit?" paglilinaw niya kaya natawa ako ng sarkastiko
"Hindi naman ako galit" paglapit ko pa sa mukha niya habang nagsasalita
Bigla naman siyang nag akto na nababahuan kaya nisipa ko ang tuhod niya
"Hindi ko naman kasi-"
"psh, quiet paulit ulit, boomerang ka ghorl?" pagirap ko
Alam ko na nga, ayos na nga eh
"Diba hindi ka na galit?" napatango tango ako "kung talagang hindi ka na galit, lumapit kanga sakin, yung sobrang lapit yung maamoy ko yung mabaho mong hininga tapos bigla mokong nanakawan ng halik kunware hindi ko alam" pagpalakpak pa niya kaya agad ko siyang nikurot
"Ano bang tawag dito sa lugar nato?" katagal tagal ko nang nagpupunta dine ay hindi ko padin alam kung ano gang tawag dine sa lugar na ito
"secret" Gash, I'm serious, Do I look like jokinger?
"ano nga?!" singhal ko
"Belle" pagngisi niya pa
"Potcha, Belle ka ng Belle, kanina pa yang Belle nayan sino bayang Belle nayan ha? Yung Belle nayan ang ganda ganda siguro nan"
