"Ikaw ba ang principal? Kung makapag ayos ka kala mo ikaw ang magsasabit ng medalya" bungad kagad niya pagpasok ko ng sasakyan
Tch, inggeterong frog
"Pakielam moba?" ismid ko sa ugok nato
Bakit ba kasama pa toh, mukha na mang pato, patong ugok
Tss.
Killiangot na ugok, patong ugok, siraulong ugok, labat na ng klaseng ugok na sakanya
Hari ng mga ugok
Ugok king
"Magpipicture picture kalang dun pang post" pangbabasag niya sa katahimikan, kung mukha kaya neto basagin ko
"Uto uto ka naman, picture naman ng picture" pagirap ko sakanya
Daming nisasabi willing naman akong picturan
"Wow, thankyou ha" sarkastikong sabi niya
"Welcome" pangaasar ko pa
"Regaluhan kita ng ipis" nagiba kagad ang mukha ko ng marinig iyon
Balasubas tong ugok nato
"Sabihin mo nagagandahan ka lang talaga sakin" taas mukha kong sabi na nikatawa niya
"Andyan na andyan na hindi mo pa makita, whooa hangin" pagsipol pa niya "Hangin noh hindi mo kita noh, ayun hangin, hangin" pagturo niya pa kung saan saan
Napatingin tingin ako sa paligid, gash bakit kakaunti palang ang tao?!
Graduation diba! ayaw ba nilang grumaduate, mga taksil na magaaral
"Excited ka kasi" inis ko siyang nilingon at nitaasan ng kilay ng sabihin niya iyon
"Wow ha, ikaw nga madaling araw palang nasa tapat na ng bahay namin" agad na bawi ko
"bahay niyo pala yun? Akala ko kasi waiting area, tagal ko pa namang nag wait sa makakasama ko" nipapabayan ko nalang siyang aksayahin ang pagbuka ng bibig niya
"Alam mo ba yung hinintay ko nayun, maldita tapos sabi niya maganda daw siya, kamukha niya nga yung mapapangasawa ko eh" nagkunwari akong nakikinig sa kaugukan niya
"Then?" kunwaring naghihintay ako ng sagot
"Then Then desarapen walang jowa si Ezebelle" pagkanta niya na may kasama pang acting
"Then then desarapen daliri mo kuntsilyuhin" pagirap ko
Akala mo naman ay kung sino may jowa!
"sumubra ka aba!" asik niya naman, sige mag asik asik kalang ng mag asik diyan
"Brutal, mapanaket, pashneya, makasalanan" sunod sunod na bulong niya habang nakahawak pa sa dibdib niya nagaaktong nasasaktanSo arte
"Ate kuya!" halos sabay kaming napatingin ng marinig iyon
"Hello!" napatayo ako ng matanaw ko sila Belle at Gab
Gash this is it carbonara, gagraduate na sila ng senior high hehe
May senior high ba dito nung mga panahong andito pako? Hindi ko din alam
"Kuya!" nagapir naman ang dalawang lalaki, yung isa ugok yung isa pa ugok palang
Napatigil kami ng mapansin ang kasunod nila
"Ah, ate kuya, parents namin" sabi ni Gab na nakapagpatitig sakin sa parents niya
Omygosh! Korean sila?!
Half half?!
"Korean?" tanong ko at tumango naman agad si Belle
"Arigato" napasinghap ako at agad na nikurot ang tagiliran ng ugok nato
