kita ko ang pagalis ng kotse niya, like wtf pagkatapos niyang makipaglandian tapos ganun ganun nalang bahala siya mag dinner siya mag isa niya
Si kuya lang ang naabutan ko sa sala pero hindi nadin kami nagusap dahil umakyat nadin agad ako, nagpalit ako ng damit at nikuha ang phone ko nagwattpad lang ako, omooo sana'll, shit nakakakilig, babasahin kona sana ang next chapter ng..
"Belle, anjan yung sundo mo" pagkatok ni Kuya
Sundo? may service pala ko ngayon kolang nalaman
"sinong service ko?" sabi ko
"huh?huhlaman ka, anjan si Gab"
ano? Si Gab anong nigagawa nun dito jusko, myghad ayoko ngang magdinner kasama siya kung gusto niya si Claire isama niya
bumababa ako para puntahan siya sa labas
"anong nigagawa mo dito?" nakapamewang na tanong ko
"psh, magbihis kana bilis"
"eh ayoko ngang suma-" naputol ang sasabihin ko ng bigla niyakong hilahin papasok ng sasakyan dahilan para makapasok ako dun
"anoba!" galit na asik ko sakanya
"sige, yan nalang isuot mo para pagtinginan tayo ng mga tao" napatingin naman ako sa suot ko at napapikit nalang sa inis, naka pajama nako e ayos jusko ano pajama party pupuntahan ko
"bwiset naman e" galit na sabi ko bago bumaba para magpalit
nag fitted black dress ako at nilaylay ko nalang ang buhok ko at naglagay ng liptint
Pagkasara ko ng pinto ng sasakyan niya ay napatingin ako sakanya
"anong nititingintingin mojan? maganda talaga ko masanay kana" pagirap ko
hindi siya nagsalita at nipaandar nalang ang kotse,tahimik lang kami buong byahe hanggang sa makarating kami sa kakainan namin
Ampupu pang couple toh e
napakunot ang Kilay ko ng magbow sabay sabay ang crew saamin napatingin ako sakanya at nakita ko ang ngisi niya
nagtaka ako ng bigla siyang umakyat, saan kami kakain? Sa bubong?
nisusundan kolang siya ng nisusundan hanggang sa bigla siyang tumigil, niikot ko ang paningin ko at hindi ko maiwasang mamangha ang ganda ng set up, hindi ko mapigilang mapangiti sa nakikita ko, may blanket na nakalatag at kita ko ang pang picnic na pagkain, may wine din at lalo akong natuwa ng makita ko ang telescope!! napatakbo ako doon at umupo pero nawala ang ngiti ko ng napatingin ako sa suot ko, jusko bakit ba ko nagsuot ng ganto eh hindi ko naman kasi alam na ganto pala ibig niyang sabihin
Napatingin ako sakanya na ngayon ay may hawak ng sweater? napatitig ako doon ng nibigay niya sakin yon
"anong gagawin ko dito?" tanong ko
"lalabahan siguro ts" sabi niya dahilan para irapan ko siya, wait don't tell me susuotin koyon at nagpabalikbalik ako ng tingin sakanya at dun sa sweater na may kasamang pants at may nakahanda pang sapatos
"tss, bilisan mona magpalit ka"
"sa tingin mo san ako magpapalit dito?"
"jusmeyo marimar" ay waw Jayzam ka ghorl? Napatingin ako sa nituro niya at napatangotango nalang ako bago pumunta dun, eh akala ko kasi walang mapagpapalitan sorry na pede naman mag sorry deba
napangiti ako sa suot ko, sweater na gray na may maliit na stars sa gilid tsaka pants then malamang sapatos
paglabas ko ay tumakbo nako papalapit sa blanket at nahiga, habang etong ugok nato nakaupo padin habang nakatingin sakin, myghad ang ganda ko talaga, tumayo nalang din ako para kumuha ng pringles bute meron neto