Napatawa ako ng may ma receive na naman na message galing kay Eli, tanong ng tanong kung happy or sad ending ba yung nibabasa niyang story, napimpluwensyahan kong magbasa hehe
Sabi ko pa nga ay unahin niya ang ending para malaman niya
Enjoy na enjoy pa akong lokohin siya na tragic yun kahit hindi naman
ganan kaya ko dati, natatakot akong ituloy kapag alam kong masasaktan ako
pero diba oh! Nituloy ko san ako napunta? sa happy ending din naman
"Sure ka, ayaw mo talaga magpakita mamaya?" magpakita ng ano?
Maya't maya na yang nitatanong yan
"Ayoko nga, rangboome ka na naman ha"
Ayoko gusto ko sa backstage lang ako bakit ba pa special ako eh
Special child
meet and greet niya ngayon sumama ako para isupport naman siya
Pagkababa ng sasakyan ay natanggal kagad ang tenga ko sa lakas ng mga sigawan
Nagsimula na kaagad magharang ang mga bouncer
"kuya!"
"kuya ang pogi niyo!"
Dzuh asawa koyan
"Marry me! Kyahh!"
Napatungo ako ng marinig iyon
Sa lakas ng sigawan ay dinig na dinig ko yun
Marry me marry me baka ikaw ang gawin naming singsing sa kasal
hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa daming sumusuporta sakaniya
nakahinga ako ng maluwag ng makarating na kami sa backstage
"Killian!" napatingin ako sa babaeng kakapasok lang
Ewan ko kung bakit bigla na naman akong mang gitil ng makita kung sino iyon
sa tuwing nakikita ko ang babaeng toh, naalala ko ang nangyari noon sa club
Gash so panget
Nilingon ko si Killian na nakatingin sakin at nagiintay ng sasabihin ko, medyo bakas sa mukha niya ang pagkakaba
Napatigil din si Julia ng mapansing kasama ako
Nagaalangan pa ata siya kung tutuloy niya ang pag lapit
"u-uh" pagyuko niya
"Admin ko" bulong sakin ni Killian kaya napakunot ang ilong ko
"Admin mo toh?!" gulat na tanong ko
Bahagya naman silang sabay na napaubo
"Ah Oo, hello" alanganing pagkaway pa sakin ni Julia
Eto pala ang admin niya
Kaya pala nung nitatanong ko siya kagabi ay malalaman ko nalang daw ngayon
"Wag mo siyang sabunutan ha baka mapunit ang ulo" natatawang bulong sakin ni Killian
tumabi sakin ang babaeng toh at nagiwas ng tingin
Ibinaling ko nalang ang paningin ko sa screen kung saan makikita ang nangyayari sa labas
Paglabas na paglabas palang ni Killianong ugok ay magkandawala na ang mga tao
Dzuh kahit ako kapag nakita ko ang mga idol ko baka makipagsabunutan pa ako
"galit ka padin ba sakin?" napatigil ako ng bahagya niya iyong nitanong
Galit pa nga ba ako? Dzuh hindi na noh! immature naman kung ganun
