"The patient is in a mental stupor, tell them Don't worry to much" sabi ko pagkalabas ng kwarto ng isang pasyente
"Yes, Doc" sagot kagad ni Nurse Jeyn
"Send me the organized charts" dagdag ko
"opo, doc" mabilis na tugon niya habang tumatango
Dumeretso na ako sa room ko dahil wala na naman akong masyadong ganap ngayon
"Hello!" napahawak kagad ako sa dibdib ko dahil doon
"Potcha, bakit ka andito?!" nanlalaking mata kong sabi ko sakanya, tong babaeng toh
"hoy! Doctora yung bunganga mo baka ipaban kita dito"pagirap niya habang nipagmamasdan ang kabuuan ng kwarto ko
"Anong kailangan mo? susumbong kita gala ka ng gala ha" pagupo ko
"Tara na sa mars kakwela, Tayo'y kukuha ng dairy milk!" napailing iling nalang ako ng kantahin niya iyon sa tono ng 'sine skwela'
"gala nga tayo" pagaaya niya sakin
Kaya ako naging gala noon dahil sa mga kaibigan kong gala eh
"san?" walang kwentang tanong ko
"santol" walang kwenta din niyang sagot, syempre walang kwenta yung tanong e ganun talaga "bar daw tayo" pagkasabing pagkasabi niya nun ay sumayaw siya ng party party
"sabay na tayo" sabi ko tsaka nikuha ang bag ko
"hihiram nalang ako sayo ng damit ha, ayoko na umuwi" sabi niya habang nasa biyahe kami, kakapal talaga ng hilatya ng mukha neto
"Mauuna na ang tatlo diba?" tanong ko sakanya, baka kasi syempre maghintayan na naman kami tapos dadating sila '10 years later'
"Oo, wag na muna tayo mag vip para dun tayo sa maingay" pagpalakpak niya pa
"wag kang magbra bra na damit ha" sabi ko sakanya, baka may mahanap siya diyan sa closet ko eh, huhubaran ko nalang siya
Hindi na ako mag aayos, magugulo din naman nagpakahirap lang diba
"Nagpaalam ba kayo sa mga jowa niyo?" tanong ni Elisha habang nasa labas palang kami
Oo nga.
"dzuh malamang, baka mamaya ay magwala dito yun sa bar" maarteng sabay na sabay na sabi ng dalawang lokang may jowa
"ay bat dika nakisabay sakanila teh?" baling sakin ni Eli, aba hindi pa ako lasing pero kaya ko maglasing lasingan
"Oo nga para kunware may jowa ka din" dagdag ni Elisha habang natawa
Hawak hawak ko ang kamay ni Shantel para hindi kami magkahiwalay hiwalay
Gash, sobrang ingay
Hindi na talaga ako sanay sa ganito, ang tagal ko ng hindi nag babar noh
ng makahanap na kami ng table ay agad kong nialis ang pagkakahawak ko kay Shantel at nagipit ng buhok
Myghad pagpasok palang yun ha pano pa kaya pag lasing na baka magsialisan lahat ng tao dito pag ako ang nalasing
"Gash, ang ingay naman" inis kong asik
"aba malamang kunware ka pa kala mo naman ay di mukhang lasinggera" sagot ni Lauren at nakipag apir kay Shantel
Maingay naman talaga
Baka nung nasa korea ako ay dito sila nakatira kaya ganun nalang sakanila yun
"Doc inom tayo Doc inom" pangaasar pa nila sakin
"Ma'am turo niyo yan sa mga estudyante niyo Ma'am" baling ko sa dalawang teacher na kasama ko
