"Belle gumising ka nga" napasipa ako dahil dun, epal toh si Kuya eh
"Ano?!" natutulog yung tao hindi ba nakikita?
"Gaga ka bilisan mo anjan si lolo"agad akong napatayo ng marinig yun
"Ano?" nanlalaking mata kong tanong
"Bilisan mo yari ka tamo" sabi niya bago tuluyang lumabas ng kwarto
Agad akong pumunta sa cr at mabilisang naligo hayaan na, niayos ko ang susuotin ko mahirap na baka mayataps tayo
"Good Morning" napakagat ako sa labi ko
"Ngayon ka lang nagising?" Mygosh
"A-ah opo" myghad ang gandang salubong neto sa Morning ha
"Maupo kana at kakain na" agad akong nakahinga ng maluwag
Tatabi sana ako kay Shantel pero napakunot ang ilong ko ng Makitang katabi niya si Kristof mamula mula pa amp si Tita Naman ay nasa Kanan ni Mommy
Si Daddy naman ay nasa kaliwa ni Mommy, habang magkatabi sina Ate Letisha at Kuya habang si Kent ay nasa high chair, alam niyo bang nitry kong isuot paa ko diyan, muntikan hindi matanggal
Walang pwesto ha?! napaawang ang labi ko ng makita ko si Killiano!anong nigagawa neto dito?! At wala ng upuan kundi sa tabi niya?! bakit andito toh?!
"Umupo ka na kakain ka ng nakatayo?"napasimangot ako at umupo sa tabi ng ugok na toh #no choice
"B-bakit po kayo andito?"bonak toh si Shantel
" Ayaw moba? Pwede kana lumayas"hindi ko napigilan ang tawa ko sa nisabi ni Lolo "Isama mo si Belle" tumigil ako sa pagtawa ng marinig iyon, bawal ba tumawa?
Wala niisa saamin ang nagsasalita habang kumakain
"Ang gwapo ng apo kong yan" basag ni Lolo sa katahimikan, dzuh syempre mana sa
"Mana sa lolo" hehe "Maganda kasi ang nanay" dagdag niya, ako din po hiho "Pero mas nakuha ang kagwapuhan ng ama" napatawa naman dun si Kuya, yucks feelingero"Ikaw ijo" Agad naman napaayos ng upo si Kristof "Boyfriend ka ni Shantel?"
"O-opo" wag kang mautal dzuh
"magaling pumili ang mga apo ko" walang alinlangan akong napangiti, of course "Hindi ka kasama Belle, ikaw ang pinaka stupida" gusto kong tusukin ng tinidor ang katabi ko dahil sa pagtawa niya
"At ikaw ijo" booOm durugin niyo yan sa kahihiyan "Kaano ano ka ng apo ko?" anong klaseng tanong yan Lo
"K-akilala lang po" kandautal utal din siya
"Malamang hindi ka naman nila papasukin dito kung hindi ka nila kilala"
"Dad" pagtawag ni Mommy pero tawa lang ang niganti ni Lolo
"Hindi mo naman ikasasama ng loob ito ijo diba?" muling sambit niya
"H-Hindi po" asan tapang mo oy
"Teka, ikaw yung ex boy-" agad kong nihampas ang lamesa para lang matigil ni Lolo ang sasabihin niya, napatingin sila sakin kaya agad akong umupo ulit "Ikaw nga, wag ka sana magsama ng loob sa apo ko dahil masyado siyang maganda para doon" nawala ang lahat ng kaba ko napalitan ng saya myghad syempre naman
"Maganda sapakin ijo" napakagat ako sa labi ko dahil doon gash, nagtawanan naman silang lahat anong nakakatawa! HAHA funny ka lo"Tama po" ano?! Agad kong nisipa ang paa niya sa lamesa pero wala siyang pakielam
"Ikaw ang laging bukang bibi-" agad kong nikuha ang plato ni Lolo para lagyan ng madaming pagkain para hindi niya matuloy ang sasabihin niya, bakit ang daldal niya mana sakin "Pero kung ako saiyo ay kung mahal mo pa ay go go go" napatingin ako kay Lolo dahil doon, nag acting pa siya ng fight fight fight