Ang bilis ng panahon, kalahi si Flash #speed, ngayon na ang araw ng kasal nila Kuya at Ate Letisha, parang mas excited pako sa ikakasal, feelingera kasi ko, feeling ko ako yung bride
Beach ang gusto nila, kaya ayun beach wedding, gray ang motif, ang kyut mukhang suka ng mayaman char charger chars charot
Mahalagang tao lang ang imbitado, alangan may makasalubong sila sa daan sabihin nila 'punta po kayo sa kasal namin'
Pag ako nisakal este nikasal iimbitahan ko lahat ng tao sa mall #mabait
Halata ang saya sa bawat isa lalo na sila Mommy at Daddy, nakakalungkot nga lang na hinidi na makakapunta si lolo, si Ate Letisha bata palang daw ay nawala na ang kaniyang mga magulang pero andito din naman ang mga kamaganak niya
Napangiwi ako ng may kumulbit sakin
"Hello Bellat" ngiting ngiti na sabi niya sakin
"Wag kang gumawa ng scandalo dito, bulbulin kana mahiya ka" bulong ko tsaka nikurot ang tagiliran niya
"Ala oy tinawag lang kita" naka kunot noo niyang sabi sakin "Ambastos mo yari ka" pangaasar niya pa tsaka naglakad palayo
Myghad, Ang ganda ganda ko sstressen niya ko
Narinig na namin ang vow nila, nakakaiyak na nakakatawa
"Meron bang tumututol sa kasal?"
Subukan niyong tumutol sabog bahay niyo
"Well Ezekel and Letisha by the power vested in me, I Pronounce you as husband and wife"
"You may now kiss the bride"Eto na kiss kissan na
Yay! Happy Christening este happy wedding eh anoba basta happy
Matagal ng nabili ni Kuya ang bahay sa harap namin, at dun sila tumira ni Ate Letisha
Ang layo diba, nakakaiyak
May anak na nga kagad sila eh, sampu de char, buntis palang si Ate Letisha, walanjo speed si Kuya, fasteriszm, Naiimagine ko tuloy...
Kung pano sila magmahalan, myghad masyado pakong maganda para maging titaBumaba na ako at bumungad sakin ang mga abnong tao chars
Napagdesisyunan namin na sama sama kami mag celebrate ng Christmas
Andito ang familia nika Eli pati nadin nila Lauren pati sila Matt At Kristof, pati sila Shantel, single Mom si tita, pero kuntento na sila doon, yung tatay ni Shantel aba malay ko, buti nalang nakuha ni Shantel lahi namin, Only child, yung tatay niya lakas mangiwan pandak naman, hindi sa hindi pagrespeto bilang tito or blah blah blah kaya ko pa siyang irespeto, but I can't respect him as a man, cause a real man Can't leave his Family, baka may ibang baby
Potcha dami kong kaekekan
"Hoy" nabalik ang wisyo ko ng marinig iyon
"Amp, ano na glue ka najan, hindi makaalis" sabi ni Gabingot habang nakataas ang Kilay
Oo, andito din sila obvious ba
"Manahimik ka padadaganan kita sa Christmas tree" sabi ko at nagakma naman siya na parang natatakot
Napatigil ako ng may mapansing babaeng pamilyar, potchaingnames?!
"bakit andito yon?!" nanlalaking mata kong tanong kay Gab
"Sino yung Mommy mo?" chill na sabi niya "Ah Tita bakit daw p-" nihampas ko siya para tumigil
"Umayos ka hahagis kita sa bintana"
"Eh sino ba?"
"Si Claire"
"kapatid siya ni Kristof, alangan namanbiwan nila sa bahay, baka madepress kahit mukha ng depress"
