Wala akong hinanakit kung bakit nila nitago ang pagbalik ni Ga- este Killian, gusto kolang malaman kung bakit
"But Mommy, why?" gusto ko ngang malaman
"Gusto mo talaga malaman?"
Napatango naman ako doon
"Nung una ay gusto niya sabihin sayo, pero nakiusap kami para sa kaligtasan ng lahat, wag mong kalimutan ang dating lahi natin anak, naaalala mo paba kung bakit nawala ang Tita Elza mo? Dahil sa pagsasakripisyo niya para makaalis tayo doon, Simula palang ikaw na ang gustong maging asawa ng pinuno ng BlackPire para sa nagiisa niyang anak, bata palang kayo ayun na ang naiisip niya, hindi pumayag ang lolo mo kaya nagkagulo, sana ay maintindihan mo honey, kapag nalaman nilang may nagugustuhan o bumalik si Killian ay muling mabubuo ang gulo"
Ngayon ay alam kona kung bakit, naiintindihan kona
Eli's heartbreak
Agad akong nagmadaling pumunta sa bar kung san naroroon ang mga kaibigan ko
"Anong nangyare?" Mukhang kanina pa umiinom si Eli dahil halata na sa itsura niya
"tangina mo!" paghampas niya sa lamesa kaya agad niawat ni Shantel
Nihila ko si Lauren palabas para malaman kung anong nangyari
"Tumawag si Tita, sabi ay umalis nalang bigla at hindi nagpaalam kaya nipuntahan ko bago ko muna kayo tawagan,nung nabutan ko siya ay medyo ayos pa siya kaya nasabi niya kung anong nangyari, he cheated kilala mona kung sino"
nayukom ko ang kamao ko sa narinig ko, minsan lang magmahal toh sasaktan pa, nasan ang hustisya
Wag magpapakita sakin yung lalaking yun, pag ako nanampal durog cheekbone
LAST TALK WITH KILLIAN
Bakit kaya gustong makipagusap nun? hm
Agad kong nihampas ang braso niya ng makita siya sa swing
"Anong sasabihin mo?" ngiting ngiti kong tanong hehe ampogi niya
"Kalimutan mona ko"
Napawi ang ngiti ko sa narinig ko
"Joke bayan?" nipilit ko pading hindi kabahan
"I'm serious, simula ngayon kalimutan mo ng magkaibigan tayo" pagiwas niya ng tingin
Napatingin ako sakanya ng bahagya niya akong nitalikod
lalo akong nagtaka ng may nisuot siyang kwintas sakin, wow so pretty like me
Sabi na eh nagjojoke lang toh
"Sabi na eh nagj-" napatigil ako ng wala na siya "Killian!" pagsigaw ko umaasang lalabas siya
Nihanap ko siya sa buong playground pero wala
Umuwi ako sa bahay at doon umiyak ng umiyak
nikabukasan ay nagulat nalang ako ng sabihin nila Mommy na Uuwi kaming Pilipinas
|||
:)
