Tawang tawa ko sa nipaggagawa ko, nitry ko lagyan ng hickey yung kamay ko, ganun pala itsura nun
Nisend ko iyon sa gc namin
"Chikinini HAHHAHAA" si Eli
Ayun chikinini pala tagalog nun, kanina kopa niisip
"anoyan pasa?" Bonak talaga toh si Shantel
"sht sht sorry kasalanan ko,"*sinuntok yung pader*" ge Lauren
" Ay anong nangyari?pinasok mo kamay mo sa Electric fan? ". Isa patong si Elisha
Napangiwi ako ng makita ang account ni Gab, ni hindi ako nichachat nan, ano na namang nigawa ko
" nakakahiya kayo" pag acting ni Shantel na nasstress
"Hindi na kayo iimbitahan sa party" dagdag naman ni Elisha
Nakwento ko kasi yung nangyari sa party, Romantic kaya hihi
"WaaaaA" pagirit ni Lauren, habang si Shantel pulang pula ang pisngi
Napatitig ako kay Kristof na may hawak na Teddy bear at mga chocolates
It's Valentines.... Day, I forgot Omygosh
Nakatitig lang ako sakanila agad na niagaw ni Lauren ang Teddy Bear at nibuksan ni Elisha ang isang chocolate
Valentines na? nasan ang utak ko nasa ilong? Nakalimutan ko
Gab.....
Wala siya dito
"Elisha ang kuya mo?" agad namang napatingin sakin si Elisha
Kagabi ay hindi kami nagusap sa kadahilangan hindi ko alam
"hindi niya nisabi? Hindi papasok" sagot niya habang punong puno ang bunganga ng chocolate
Lutang ako buong klase
Hindi din ako sumabay sakanila nung breaktime
Hindi ko alam, ang bigat lang sa loob, hindi ko manlang alam kung anong nangyari sakanya, kung bakit hindi siya pumasok, nakalimutan kopa na Valentines ngayon, siya naalala niya kaya?
Naguupdate naman siya palagi saakin, bakit ngayon anong nangyari
Nakaupo lang ako ngayon dine sa salas, nimessage ko na siya kanina, nibati kipa nga pero walang reply
Magisa lang ako sila kuya wala sa bahay nila dahil magdadate
Sila Mommy naman ay lumabas din, pilit panga kong nipapasama pero hindi ako pumayag syempre, dzuh bonding na nila yun
Nagtatanong din sila kung hindi ba kami lalabas ni Gab pero wala akong maisagot
Nitigil kodin magphone dahil kada scroll ko ay..
"Happy Valentines"
"Happy valentines, iloveyou"
"Happy Valentines and Hapoy anniversary"
Puro ganun nalang sunod sunod pa ha,unli boomerang, ayaw niyo ng Happy birthday?
Yung iba ay LSM pa, hindi ako bitter ha! Sour lang
Mapapasana'll kanalang
Actually hindi naman iyon ang importante sakin
Ang importante sakin ay kung ayos lang ba siya, kaso wala hindi ko alam
Napatigil ako ng tumunog ang phone ko
Pumikit pako at nipinta kung sino ang nagtext pero bigo ako...si Elisha
"Nasa inyo ka?" bakit naman? Aba malamang
"Oo" maikling reply ko, masakit daliri ko ayoko magtype
Napatayo ako ng biglang may magdorbell
"Anong meron at andito ka?" nagtatakang tanong ko kay Elisha
