CHAPTER THREE

62 9 0
                                    

HIS

"GOOD MORNING, EINVER!" Masayang bati ng doktora sa kaniya ng makita siya sa table niya. Mahina pa siyang nabigla ng marinig ang masigla nitong boses ngunit mas lalo lamang siyang nabigla ng lumapit ito sa kaniya at yumakap na naman.

"M-Morning." mahinang sagot niya at medyo nautal pa dahil sa kilos nito.

Tumawa naman ito at lumayo na sa kaniya. Dumiretso kaagad ito sa sariling lamesa at umupo sa swivel chair.

"Schedule?" Tanong nito. He immediately grab his ipod and check her schedule.

"Ahm, you have a new patient this 10:00 A.M. to 11:30 A.M. then in the afternoon, you have a sessions with Ms. Santisme in 1:00 P.M. to 3:00 P.M., then with Ms. Lin in 3:30 P.M. to 5:00 P.M., and lastly, with Ms. Cabandez in 6:40 P.M. to 8:00 P.M." mahabang saad niya habang nakatingin sa ipod at sinasabi ang mga schedule nito.

Narinig naman niya ang pagbuntong hininga nito.

"8:00 P.M.? Mago-over time na siguro ako." umangat ang tingin niya at kunot noong tinignan ito.

"Over time?" Tumango ito.

"Yes, after 8:00 ay may kailangan pa akong asikasuhin tungkol sa mga conditions ng pasyente." sagot nito.

"Hanggang anong oras ka?"

"Ahm, I think 11? Or more than that I guess. Hmm.. Siguro paghindi pa ako matapos ay sa private office na lang ako magpapahinga." sagot ulit nito.

Napa-isip naman siya. Hindi ba delikado sa ospital? He sigh.

"Then I should-" Napatigil sa ere ang sasabihin niya sana ng tumunog ang cellphone niya. He pick up his phone and look who is the caller.

At nang makita niya ang pangalang Nana ay agad siyang napatayo at sinagot ito.

"Hello?" Sumenyas siya sa doktora na lumabas muna at nang tumango ito ay kaagad siyang umalis sa opisina.

"Einver!" bati nang nasa kabilang linya.

"Nana? Anong kailangan mo?" Kunot noo niyang tanong sa ka-usap.

He heard her sigh and say, "Kailan ka daw babalik?"

Nang marinig ang mga salitang yun ay walang pag-aalinlangan niyang binaba ang tawag at naglakad pabalik sa opisina na parang wala lang ngunit sa isip niya ay muli na namang bumagabag sa isipan ang tinanong nito.

Kailan nga ba siya babalik? Hindi niya alam ngunit alam niyang hindi pa ito ang tamang oras.

And besides, why are they always pulling me to come back? Hindi naman talaga ako umalis dahil kung ganun nga ay-

He suddenly stop stepping to go inside the office when he saw the doctor hugging another doctor. And it's Dr. Salvador.

Napa-iling na lamang siya at bumalik sa lamesa ng tahimik. Sanay na sanay na talaga siyang nakikita itong may kayakap na kung sino sino na lang. Mukhang hindi na nga siya magugulat kung makitang may kayakap itong kakilala lang. It's like a manner of hers. Hugging everyone like a pillow. Ni hindi nga nito alam kung ano ang epekto ng ginagawa nito sa kaniya. Like how his heart pound fast every time- No. Marahan siyang umiling iling sa naiisip.

Kung ano ano na naman yata ang pumapasok sa isipan niya.

"Thank you, Sept." rinig niyang pasasalamat ni Dr. Salvador at saka niya nakita ang papalapit nitong anyo sa may pintuan palabas.

"Welcome, Israel!" Magiliw pang tugon ng doktora dito at saka na tuluyang naka-alis ang doktor.

Sakto namang muling bumukas ulit ang pintuan at pumasok na doon ang dalawang babae. Ang isa pa'y mukhang balisang balisa na sa tingin niya'y magiging pasyente ngayon.

Case of SixteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon