CHAPTER SIX

30 5 0
                                    

HIS

"AYOS KA NA?" mahinahon niyang tanong sa doktora at binigyan ng isang mineral water.

Tumango lang ito at sinubsob na ang mukha sa lamesa. He sigh. Dalawang oras makalipas ang nangyari kanina at ngayon ngayon lang niya napatahan ang doktora galing sa pag-iyak.

Ang mga pulis naman ay tuloy parin sa pag-iimbestiga sa basement ng hospital at mukhang nahihirapan dahil talagang malinis ang pagkakagawa ng krimen. Bukod pa doon ay wala pang record sa CCTV, mukhang may nagbura nito para mawala ang ebidensiya.

Napatingin naman siya sa pintuan ng bumukas ito at pumasok doon si Aria. Tumingin ito at ngumiti sa kanila.

"Dra? Ang sabi daw ni Dr. Salvador na kung pwede po bang sabay kayong mag-lunch?" Tanong nito. Umangat naman ang mukha nito.

"Ahm, pwedeng paki-sabi na sa susunod na lang? Ayoko kasing lumabas muna ngayon." sagot nito. Tumango naman si Aria.

"Sige po, Dra." Magalang nitong sagot at ngumiti sa kanila bago umalis. Siya nama'y binalingan ito.

"Hindi ka kakain?" Tanong niya at tumingin sa relong pambisig. "It's already 11. Malapit-lapit na ang lunch."

Mahina itong umiling. "I'm fine. Wala akong ganang kumain." lantang sagot nito at muling bumalik sa pwesto kanina. Napabuntong hininga siya.

"Then rest in your office. Ako na lang ang bibili ng makakain para sa'yo." Saad niya. Muli itong umiling.

"No need to buy for me. I'm fine, Einver." tanggi nito sa kaniya ngunit hindi siya nakinig. Hinawakan niya ito sa braso at maingat nitong hinila patayo.

"Einver.."

"Hwag matigas ang ulo. Kakain ka." dahil sa sinabi niya ay ito naman ang napabuntong hininga at tumango na lamang sa kaniya. Nakahinga siya ng maluwag dun at inalalayan ito papunta sa kwarto.

"Pahinga ka na." Saad niya ng makarating sila sa tapat ng pintuan. Hindi ito sumagot at saglit siyang natigilan ng yumakap ito.

"Salamat." pagod nitong sambit. He gently tap her head.

"Gusto mong sabay tayong kumain?" Tanong niya at naramdaman niya ang pagtango nito.

"Talaga? Promise? Kagaya nung si Van pa ang nandito? Na sabay kaming mag-lunch?"

He sigh. "Promise. We'll have some lunch together, okay? Kaya tahan na. Nandito ako." seryoso niyang saad.

"Sige na." saad niya pero nanatili parin itong nakayakap.

"Sept.."

"B-Bakit si Van, Ein?" Saglit siyang natigilan ng marinig ulit ang basag nitong boses.

"S-Sino ang gawa nun? Bakit niya ginawa yun? W-Wala naman siguro siyang kasalanan dun diba?" Sunod sunod nitong tanong sa kaniya at muli na naman niyang narinig ang mahinang paghikbi nito.

"Sept.." mas lalo siyang nakaramdam ng awa para dito.

"A-Ang sakit mawalan ng kaibigan. Mas masakit pa sa ginawa nila." kumunot ang noo niya nang hindi masyadong maintindihan ang huling binulong nito ngunit ipinasawalang bahala niya na lang ito at binuksan ang pintuan para dito.

Maingat niyang hiniwalay ang dalaga sa kaniya at inalalayan ito papunta sa kama.

"Magpahinga ka na." Saad niya at mahina lang itong tumango bago ipinikit ang mga mata.

Siya nama'y inilibot ang tingin sa loob ng kwarto. Ito ang unang beses na nakapasok siya dito at masasabi niyang simple lang ito.

Maraming mga librong tungkol sa psychology at may maliit pang mukhang study table sa gilid. Parang maliit na kwarto lang para sa doktora.

Case of SixteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon