CHAPTER TWENTY THREE

21 5 2
                                    

WARNING Sensitive and
explicit scenes ahead
Please be aware

HERS

After 4 years.
Age: 17 years old.

"ANONG PANGALAN MO?" Hindi siya sumagot. Nanatili siyang tahimik at nakatitig sa matandang babae na nasa harapan niya.

Walang emosyon ang mukha at lalo na ng mga mata niya.

Ito ang unang beses na may nagtangkang kumausap sa kaniya makalipas ang apat na taon. Walang may nais dahil mukhang natatakot ito sa kaniya. Hindi man nito alam ang dahilan kung bakit siya nasa loob ay sapat na ang talim ng mga mata niya, ang walang eksresyon ng mukha niya at ang mga sinabi ni May para katakutan at layuan siya.

May, she no longer calling her 'Ate' kasi para saan pa? Nawalan na siya ng pag-asang babalik pa ito sa kaniya. Alam niyang wala talaga itong paki-alam sa kaniya kasi nga naman, diba? She's a monster who's already tired of everything. A trash who's willing to be dispose of.

Masyado nang mahaba ang apat na taon niyang pagluluksa. Gustong gusto na niyang tapusin ang lahat ng paghihirap niya.

Nightmares. Ito ang naging sagabal kapag gusto niyang magpahinga kahit saglit lang. Ayos lang kahit sa pagmulat ulit ng mata ay babalik ulit siya sa kasalukuyan kung saan siya nag-iisa basta ba'y makapagpahinga lang siya. Makatulog para makawala saglit sa tunay na realidad ngunit kahit ang bagay na yun ay pinagkait sa kaniya.

Parati siyang dinadalaw ng bangungot ng nakaraan. Paulit-ulit siya nitong binubulabog kapag nais niyang magpahinga. Kaya ngayon, kung pwede lang ay hindi na siya natutulog. Ayaw na niyang ipikit ang mga mata dahil nanunumbalik lang ang nakaraan niya.

Wala parin siyang takas. Hinahabol at pinapamukha parin sa kaniya ang realidad na dapat niyang harapin bilang parusa sa mga ginawa niya.

A karma is not just a bitch, it's a demon who mercilessly caged her in the darkness and let her experience worst than hell.

Araw-araw siyang pinaparusan at gusto na lamang siya mawala para matapos ang lahat. Buhay ang kinuha niya ngunit bakit kahit buhay na niya ang ibigay ay hindi nito tanggapin? Bakit gusto parin nitong pahirapan siya ng husto?

Kulang pa ba ang apat na taon? Dapat ba talaga'y habang buhay siyang magdurusa ng ganito?

"Hija," saglit siyang natigilan nang marinig ang boses na yun galing ulit sa matanda. She look up and when their eyes meet.

But what happened next totally made her shivered. Hindi niya alam kung bakit ngunit naramdaman niya na lang ang sunod sunod na pagpatak ng luha niya.

Sa loob ng apat na taon ay mahigit tatlong taon siyang paulit-ulit na umiiyak ngunit sa huli ay doon na nawala ang lahat sa kaniya. Na maski luha ay wala ng tumutulo at parang nilubayan din siya.

Ngunit ngayon, nang magtagpo at makita niya ang pag-aalala sa mga mata nito ay bumalik ulit siya sa pagiging mahina. Muling tumulo ang luha niya at kasabay nun ang pagsikip ng dibdib niya.

Nasasaktan na naman siya. Magdudurusa na naman siya.

"Hija . . . ." tinangka siya nitong hawakan ngunit mabilis siya lumayo.

Case of SixteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon