CHAPTER NINE

32 7 0
                                    

HERS


"HI, I'M DRA. SEPTEMBER SOBEJANA. nice to meet you Ms. Flore Regulacion." nakangiting bati niya sa babaeng kaharap.

Ngumiti din ito pabalik. "Nice to meet you too, Dra."

"Have a seat." sumunod naman ito at humarap sa kaniya. Mahinahon lang ang mukha nito kaya panatag siyang hindi masyadong matagal ang check-up nila. Kapag kasi mahinahon ang isang tao ay mas madali itong maka-usap kumpara sa iba.

"Now, Ms. Flore. Mind telling me what's the problem is." saad niya.

"Ahm, actually hindi talaga ako yung pasyente." she confess. She smile.

"Halata nga, Ms. Flore. I can see that you're a jolly person. Hindi bakas sa'yong may problema ka. Mukha ka namang maayos but I can see some concern in your eyes. What is it?" Nakita niyang napakurap ito sa mga sinabi niyang obserbasyon.

"Wow.." manghang saad nito at bahagya pang nakaawang ang labi.

She chuckle. "I'll take that a compliment. So, can we start now?" Tumango naman agad ito. Halata sa mukha nitong mukhang napanatag na. I see. Mabuti namang nawala na ang pagdududa sa mukha niya. Halatang nag-aalinlangan siya kanina.

"Ahm, I have a friend. Her name is Hannah. Ahm, hindi ako sure kung isa itong condition but I think it's weird. She's weird kaya napagdesisyunan kung pumunta para tanungin kayo." paunang paliwanag nito. She nod.

"Please continue.."

"Hannah is very concious of everything especially when it comes to cleaning. Dapat parating organisado ang lahat. Dapat malinis lahat. Konting dumi lang ang mapansin niya ay magagalit agad siya. Minsan nga hindi na niya binabalik ang suot na damit. She thinks it dirty. May mga pagkakataon din sa pinagtra-trabahuan namin sa opisina ay pinupuna niya ang lahat ng nandun kapag makalat. I mean, hindi naman talaga sobrang kalat. Busy kasi kami nun sa trabaho at wala na kaming oras para intindihin lahat ng yun pero siya, talagang napapansin yun. Sa cubicle niya, wala ka talagang makikitang kalat. Masaki ligaw na wrapper ata wala. Yung mga gamit niya pantay pantay lahat at nasa wastong lugar pa." Kwento nito.

"Hmm? Why do you think it's weird. Hindi ba't mas mabuti nga yun? Do you think she's just concern about the surroundings?" Tanong niya. Mahina itong nagkibit balikat.

"I don't know. Actually meron pa. Yung bag niya. Parating may dalang alcohol, wet wipes, tissue, santizer, pulbo, moisturizer, bimpo, at suklay. Yes, it looks normal pero meron pa. Nagdadala pa nga siya ng disposable gloves at malaking tela." kumunot ang noo niya.

"Malaking tela?" Tumango ito.

"Yes. Ginagamit niya yun pamatong sa upuan niya. Hindi siya directly umuupo sa upuan. Talagang tinatakpan niya ng tela ang upuan niya. Tinatanong ko nga minsan kung bakit at ang sabi lang niya, baka raw marumi yung upuan. Ayaw rin niyang nakikisalo. Nagdadala siya ng sariling gamit, tulad ng baso o kung ano ano pa. Maski ng ballpen paghiniram mo, hindi na niya tinatanggap pagsinasauli mo. Madumi na daw kasi." Simangot nito.

"Tungkol naman sa suot niya. Palagi niyang nakalong-sleeve. Minsan nga ay may mask pa. Sa paa naman ay ankled boots parati. Hindi niya sinusunod ang dress code ng opisina. Anak kasi siya ng dating may-ari kaya pinapayagan na lang siya."

"Isa pang makapagtataka ay every five minutes or less, I guess? Parati siyang pumupunta ng banyo para maghugas ng kamay lalo na pagkatapos niyang humawak ng kung ano-ano. Nagsa-sanitizer pa at naga-alcohol pa para daw walang maiiwang germs. Minsan nga'y hindi niya talaga iniiwan ang mga gamit niya sa pang-lilinis. Like her life depends on it. She's like.. an obsessed woman to her belongings." Mahabang kwento nito at tumingin sa kaniya.

Case of SixteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon