CHAPTER THIRTEEN

33 6 0
                                    

HIS

"THE AMBIANCE is really creeping me out." mahina niyang saad sa sarili at pinalibot ang dalawang kamay sa magkabilang braso at hinaplos haplos ito, tipong niyayakap ang sarili habang binabagtas niya ang madilim na pasilyo ng ospital na kinaroroonan.

The lights are off so the moon outside the place is the only one who's giving light just enough for the person to see the dark corridor of the place. The patients are probably sleeping right now nor the presence of the nurses and doctors in night shift.

Kagagaling lang niya sa isang sulok kung saan nandun ang vending machine. Meron namang maiinom sa office niya pero tinatamad siyang magtimpla, ngayon ay parang nagsisisi na tuloy siyang lumabas pa sa opisina. Kung sino ba namang hindi kikilabutan sa ganitong eksena ay papalakpakan talaga niya.

Pero sa ngayon, dapat na niyang bilisan ang paglakad dahil talagang nakakaramdam na siya ng pagtaas ng balahibo. Maybe it's just a childish reason but this is one of the reason kung bakit gusto niyang umayaw na lang sa pagiging doktor. Talagang ayaw niya ang ganitong klase ng awra, masyadong madilim. Parang sa horror movies lang, tch.

Napailing siya sa naiisip. Kailangan niyang iwaksi sa isipan ang mga nakakatakot na bagay kundi ay mas lalo lang siyang matatakot.

"Malamig lamig na rin." bulong niya at napahigpit ang hawak sa bote ng kapeng binili niya.

"Maybe I should lessen my coffee's intake? Kaya madali akong nakakaramdam ng kaba eh. Panirang kape." ngiwi niya habang patuloy paring binabagtas ang corridor.

Ilang minuto pa ang lumipas- naging mabagal ang paglalakad niya dahil sa kaba- at sa wakas ay natanaw na niya rin ang pintuan ng opisina. Napahinga naman siya ng malalim at humakbang muli papunta roon.

Eksaktong nakarating siya sa tapat ng pintuan ay bigla siyang natigilan nang maramdaman ang isang presensiya. Dapat na ba siyang matakot? Kasi ang nararamdaman niya ay hindi yung pakiramdam kung saan merong hindi tao sa likuran niya. Iba, ibang presensiya at galing iyon sa totoong tao.

Ibig sabihin ay may tao sa likod niya ngayon. Huminga siya ng malalim at mas lalong humigpit ang hawak sa bote at aakma na sanang haharap ay natigilan siya nang maramdaman ang isang malamig na bagay na bahagyang lumapat sa leeg niya. Isang patalim.

"A-Anong kailangan mo? Sino ka?" lakas loob niyang tanong. Mas lalong lumapat ang patalim at bahagya siyang napangiwi nang makaramdam ng kaunting kirot. Siguradong nasugatan ng bahagya ang leeg niya dahil dun.

At ngayon napaisip siya. Hindi kaya ang taong nasa likuran niya ngayon ay ang salarim tungkol aa sunod sunod na pagpatay sa ospital? Maybe the person behind is the suspect? At ngayon ay siya naman ang target?

Shit! Napamura na lang siya sa isipan at hindi naiwasang mas lalong kabahan ay sitwasyon. If this person is the real culprit, ano nang gagawin niya? Siya na ba ang isusunod talaga ngayong gabi?

"N-Nakiki-usap ako. Hwag mo'kong sasaktan." nauutal niyang paki-usap at nilakasan ang loob at dahan-dahan siyang humarap dito.

Kahit madilim ang lugar ay kitang kita niya parin ang mukha nang taong nasa harapan na nagpasinghap sa kaniya sa gulat. Umawang ang mga labi niya at bahagyang lumaki ang mga mata dahil sa gulat.

"D-Detective Linn?!" nakilala niya ang kaharap. Ito ang kapatid ni Jerra Linn na isa sa mga naging biktima. Posible nga kayang..

"A-Anong kailangan mo?" tanong niya at pilit nilalabanan ang kabang nararamdaman sa mga oras na'to.

Case of SixteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon