CHAPTER FOUR

40 9 0
                                    

HIS

"POST TRAUMATIC STRESS DISORDER." deklara ni Dra. Sobejana sa kaharap nitong kamag-anak ng pasyente.

"A-Ano ho yun, Doc?" Kinakabahang tanong ni Amalia na siyang nakakatandang kapatid ng pasyente na ngayon ay nakahiga sa hospital bed at walang malay. Bakas sa tono ng boses nito ang pag-aalala para sa kapatid.

"PTSD ay isang psychological condition kung saan ang isang tao ay nagkakaroon ng matinding trauma mula sa isang matinding trahedya. Tulad ng condisyon ngayon ni Nathalie, Ms. Amalia. Maaaring nakuha niya ito sa nangyari doon sa kweninto mo kanina. Symptoms of PTSD are having traumatic flashbacks, nightmares, panic attacks and jumpy. Ito yung sa kung saan madaling magulat ang isang tao sa isang simpleng ingay lang. Natri-trigger ang isipan nila at naaalala nito ang mga nangyari." paliwanag ng doktora.

"G-Ganun po ba? Ano naman po ang maaaring gawin para gumaling ang kapatid ko?"

"May mga therapies na gagawin para sa kaniya. Cognitive Behavior Therapy. Dito ay unti-unti nating ipapaintindi sa kaniya ang mga nangyari. Unti-unti nating aalisin ang mga pangyayaring iyon para sa sununod ay hindi na ito ang mangyayari sa kaniya." mahinahong sagot ng doktora.

"S-Sige po. Gawin po natin ang lahat para bumalik na sa dating sigla ang kapatid ko." nag-aalala nitong saad. Lumapit ito sa kapatid at mahinang hinaplos ang buhok nito.

"Sana pagkatapos ng therapies niya ay bumalik na siya sa dati niyang sigla. Miss na miss ko na ang kapatid ko. Malayong malayo siya sa kung ano siya noon at ngayon. Nag-aalala ako ng sobra." tipid na ngumiti ang doktor.

"Hwag kang mag-alala, Ms. Amalia. Gagawin namin ang lahat para sa kapatid ninyo." pagpapakalma nito.

"Anyway, we have to go now. May mga iba pa akong pasyente na kailangang asikasuhin. Babalik na lang dito si Einver para sabihin sa inyo ang schedules ng session namin ng kapatid mo. Take care, Ms. Amalia. Good day!" Paalam ng doktora habang nakangiti.

"Sige. Maraming salamat." paalam din nito. Tipid na ngumiti lang ito bilang tugon at sabay silang lumabas ng room.

Rinig niya ang pagbuntong hininga nito kaya napatingin siya dito.

"Hayy.. Nakaka-awa sila. Nathalie is just 10 years old pero naranasan na niya ang ganitong trauma. I hope she will get better." malungkot nitong pahayag.

He gently tap her head. "It will be fine, Sept. Don't worry too much okay?" Pagpapakalma niya dito. Ngumiti naman ito at biglang ipinulupot ang kamay sa kaliwa niyang braso.

"Thank you. Tara na?" Tumango lang siya.

Habang naglalakad sila pabalik sa opisina ay nakasalubong nila si Dr. Salvador kasama ang assistant nurse nito.

"Hi, Israel!" Masiyahing bati ng doktora. Ngumiti ang doktor.

"Hi to you too, Sept." balik nitong tugon. Napatingin naman ito sa kaniya at bumaba ang tingin sa kamay ng doktora na nasa braso niya.

Kitang kita niya ang pagguhit ng ngisi nito sa mga labi at may halong pang-aasar na tumingin sa kanilang dalawa.

"I see.. Mukhang nagkakamabutihan na kayo ah." ngising asar nito na hindi niya binigyang pansin.

Wala siyang paki-alam sa kung ano man ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanilang dalawa. They're just co-workers. Nothing more and less. At alam naman niyang ganun din ang doktora sa kaniya.

Tumawa ang kasama sa kaharap. "Ano ka ba! Mag-kaibigan lang naman kami ni Einver, diba?" Ngiting humarap ito sa kaniya.

Inalis naman niya ang kamay nito at walang ganang sumagot.

Case of SixteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon