A Beautiful Secret Affair Chapter 1

6.3K 26 23
                                    

" Sa buhay hindi mahalaga kung ano ang sabihin ng iba, ang importante ay ang sarili mo na umuunawang  nagmamahal ka, dahil sa pag ibig walang labag ang nag uutos na pigilan ang nararamdaman kung alam mo naman na walang kang taong natatapakan at nasasaktan. "

A Beautiful Secret Affair Chapter 1:

Sa isang malayong baryo ng Gensan ay may nakatirang isang tahimik ngunit masayang mag lolo, si Mew na isang estudyante sa Sekondarya na mahilig magsulat ng mga awitin at ang lolo nitong si Lolo Jose.

Maagang gumising si Mew at lumabas ng bahay para magsaing hanggang sa may napansin siya.

Mew : (sigaw) Lolo.

May nakita siyang isang lalaking duguan at tila wala bagang malay. Agad naman nitong nilinisan ng mag lolo at hinintay hanggang sa magkamalay.

" Nasaan ako? Sino kayo? " , tinig ng isang lalaki matapos magkaroon ng malay na tila may takot at  hindi kilala ang sarili. Ipinaliwanag naman nila Mew ang lahat at ipinagpatuloy ang pag gamot at pinakain.

Mew : Uhm, Bakit nandito ka sa labas?

Hindi siya nito kinibo at sa halip tiningnan lamang siya nito.

Mew : Uhm, ako nga pala si Mew. Ikaw? (pause) Pasensya ka na sa bahay namin ha, maliit masyado at di kagandahan. (pause) Kumusta na ba pakiramdam mo? Alam ko na, Tong na lang itatawag ko sa'yo.

Tong : Pwede ba, kung wala kang magandang sasabihin tumahimik ka na lang. You're talking nonsense.

Hindi maganda ang simula ng pag uusap ng dalawa na tila masyadong nadadaldalan si Tong kay Mew, gusto lang naman niya sanang makipag kaibigan kaso nakukulitan si Tong.

Kinabukasan habang pumasok si Mew sa paaralan ay tinutulungan naman ni Tong ng mga gawaing bahay si Lolo Jose bilang pasasalamat sa pagkupkop nito sa kanya.

Tong : Maraming salamat nga po pala sa pagkupkop niyo sa akin dito Lolo.

Lolo Jose : Walang anuman yun, hijo. Pasensya ka na dito sa mumunting barung barong namin ha. Kami lang naman kasi ng apo kong si Mew ang nakatira dito eh.

Tong : Wala po yun Lolo, ang saya nga ng bahay eh kasi puro mabubuti at masasaya yung mga nakatira. Tsaka nga pala Lolo, gusto ko sana humingi ng paumanhin kay Mew tungkol sa inasal ko kagabi sa kanya, napagsalitaan ko kasi siya ng hindi maganda eh.

Lolo Jose : Hayaan mo na yun, hijo. Sanay na si Mew dyan, wala kasi siyang kaibigan dito eh.

Tong : Nasaan nga po pala ang mga magulang ni Mew?

Lolo Jose : Ah, wala nang kilalang ina't ama si Mew, ako na ang nakagisnan niyang pamilya at nag aruga sa kanya simula pagkabata. Hala, naubusan na pala tayo ng panggatong para mamaya.

Tong : Ah Lolo, hayaan nyo po at ako na po yung maghahanap.

Lolo Jose : Ah sige, hijo. Sundan mo lang yung daang yan. Mag iingat ka at baka ka maligaw.

Nakahanap din si Tong ng mga panggatong at sinundan ang daan pauwi at nabigla siya ng makita niya si Mew habang papauwi na tila may kaalitang tatlong lalaki.

Lalaki 1  : Hoy Mew! Bakit mo kami sinumbong kay teacher?

Lalaki 2 : Nang dahil sa'yo kaya kami naparusahan!

Lalaki 3 : Palibhasa Bakla ka kasi kaya ganyan ka katsismoso, este tsismosa.

Mew : Bakit? Kung naging lalaki ba ako sa tingin n'yo hindi ko pa din kayo isusumbong at susuportahan sa tingin n'yong tama?

Lalaki 1 : Eh kung suntukin kaya kitang bakla ka!

Narinig ni Tong ang lahat habang nakatago sa isang puno at umeksena ng susuntukin ng isang lalaki si Mew.

Tong : Ooops, Pare ano bang problema? Wala naman ginagawang masama sa inyo si Mew, ah. Huwag nyong isisi kay Mew ang mga ginawa nyong kabulastugan. Nakakahiya kayo.

Nakipagsuntukan si Tong sa kanila para makabawi kay Mew. Hanggang sa nagtakbuhan ang tatlong lalaki. Kahit natamaan sa muka ay nagawa pang takutin ni Mew ang tatlong lalaki nang nakatawa. Sa halip na magpasalamat si Mew ay umalis ito at tila di nasisiyahan sa ginawa ni Tong.

 ---

Please proceed to Chapter 2 for the continuation of the story.

A BEAUTIFUL SECRET AFFAIR ( Mew & Tong's Other World )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon