A Beautiful Secret Affair Chapter 5

1.5K 12 4
                                    

A Beautiful Secret Affair Chapter 5:

Tong : 'Yung kanta.

Mew :  Bakit? Di mo ba nagustuhan 'yung kanta?

Tong : 'Yun yung pinakamagandang kantang narinig ko, Mew. Yung kanta bang 'yun, 'yun ba 'yong para sa akin?

Mew : ( speechless ) Hmmm. Oo naman, kaya nga pinapunta kita para marinig mo, diba?

Hinawakan ni Tong ang mga kamay ni Mew at inilagay sa dibdib nito.

Tong : Ibang iba ang mensahe ng kanta sa lahat ng ginawa mo. Bawat mensahe nito nararamdaman ko ang nais iparating nito. Mew, a song cannot be written if you're not inlove.

Kinuha din ni Mew ang kamay ni Tong at inilagay din sa dibdib nito.

Mew : Pero nang dahil sa'yo, I made a love song so easily.

Naging emosyonal ang pag uusap ng dalawa kung kaya nauwi sila sa paghahalikan. Naging madali kay Mew ang paggawa ng awitin pagibig dahil sa inspirasyon kay Tong. Hindi nila sinubukang sabihin sa isa't isa ang parehong nararamdaman ng dalawa pero kusa nila itong naramdaman. Awitin ang nagsilbing dahilan upang maintindihan ni Tong ang nararamdaman ni Mew, kung kaya naging malinaw sa kanilang dalawa ang mga bagay na akala nila'y imposible pero maaari pa lang mangyari. Nagkaroon ng linaw ang lahat, nagkaroon ng kasagutan ang mga tanong na gumagambala sa dalawa.

Gabi na nang makauwi ang dalawa at hindi pa rin maalis sa ngiti nila ang sayang nadarama. Hindi man nila maamin kay Lolo Jose ang tungkol sa kanila pero nadarama pa rin ito ng matanda. Patuloy na binabalik balikan si Tong ng kanyang bangungot na tila bagang may unti unti siyang naaalala, pero di pa rin siya pinababayaan ni Mew sa tuwing bumabalik ang bangungot nito. 

Isang araw noon at mag isang pumunta ng bayan si Tong para bumili ng gamot para kay Lolo Jose, samantalang nasa paaralan naman si Mew, nang may biglang lumapit kay Tong na isang ale na nag ngangalang Carlota na tila kanina pa siya pinagmamatyagan.

Carlota : Sir Mario? Kayo po ba iyan? Hinding hindi po ako maaaring magkamali, kayo po talaga si Sir Mario. Ako po ito, si Yaya Carlota mo. Matagal na po namin kayo hinahanap ng pamilya mo.

Noong una ay naguguluhan si Tong pero hinayaan niya si Carlota na magsalita dahil iniisip niya na baka ito na ang sasagot sa kanyang mga bangungot. Ipinaliwanag ni Carlota ang lahat kay Tong at gayun din si Tong, sinabi ni Tong ang nangyaring nagkaroon siya ng amnesya kung kaya tinulungan naman ito ni Carlota para unti unting bumalik ang alaala nito.

Carlota : Napakasaya ko po at nakita ko po kayo Sir Mario, delikado ang buhay mo lalo na ngayon kung malalaman ng sindikatong buhay pa kayo. Magiging mapabuti lamang ito kung babalik ka sa pamilya mo at nang magkaroon ng seguridad. Maliit lamang ang bayang ito Sir Mario.

Tong : Pero ayoko pong iwan ang kumupkop sa akin at itinuring kong pamilya.

Carlota : Heto po ang address ko kasama ang contact number ko kung sakaling magbago po ang isip ninyo, luluwas ako ng Manila sa susunod na linggo at gusto ko po kayong iuwi at ihatid sa tunay mong pamilya.

Kinuha naman ni Tong ang ibinigay ni Carlota at hindi na rin siya nag tagal at umuwi na. Hindi maipaliwanag ni Tong ang nadarama kung siya nga ba ay matutuwa at nabigyan nang linaw ang bangongot niya o magiging malungkot dahil iiwan na niya ang nakagisnan na niyang pamilya lalo na ang taong napamahal na sa kanya. Niyakap ng mahigpit ni Tong si Mew pero hindi niya sinabi ang nangyari tungkol sa araw na 'yun.

Nakalimutan ni Tong ang kalituan sa tuwing kasama niya si Mew. Walang araw na hindi siya pinapasaya nito hanggang isang araw.

Mew : Lolo? Tong, si Lolo.

Please proceed to Chapter 6 for the continuation of the story.

A BEAUTIFUL SECRET AFFAIR ( Mew & Tong's Other World )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon