A Beautiful Secret Affair Chapter 4

1.6K 14 3
                                    

A Beautiful Secret Affair Chapter 4:

Gabi nun nang may mapanaginipan si Tong na tila bagang may mga nararamdaman siyang alaala na tila unti unti siyang pinapatay sa panaginip nito. Naguluhan ito at sumakit ang ulo kung kaya nauwi ito sa bangungot at agad naman siyang ginising ng kaibigan.

Mew : Tong? Gising. Ano bang nangyayari sa'yo?

Niyakap siya ni Tong ng napaluha.

Tong : Nanaginip ako Mew.

Mew : Anong napanaginipan mo Mew?

Tong : Di ko maintindihan. Kung 'yun man 'yung tunay na nangyari kung bakit ako nagkaganito, ayoko ng bumalik pa Mew. Masaya na akong kasama kayo ni Lolo Jose.

Mew : Huwag kang mag aalala Tong, hindi ka namin iiwan kahit anong mangyari. Nandito lang ako, kami ni Lolo Jose.

Naging sunod sunod ang panaginip ni Tong, pero hindi nawala si Mew upang damayan ang kaibigan. Dumating din ang araw na magpaalam sa kanila si Erika upang ipagpatuloy sa Manila ang pag aaral. Kahit masakit sa kanilang tatlo ay natanggap din nila para sa kinabukasan nila.

Ilang araw ang nagdaan naging matindi ang closeness ng pagiging magkaibigan nila Mew at Tong, hindi na sila nag tatampuhan. Lagi nila kasama ang isa't isa at laging magkaramay. Kakagising lang ni Tong ng nakitang abala si Mew na may sinusulat na kanta.

Tong : Uy, busy busyhan ah. Pabasa nga ng sinulat mo.

Mew : Uy, 'wag na Tong.

Tong : Sige na, nabasa ko naman lahat ng na compose mo eh, fan mo kaya ako kaya pabasa naman niyan.

Mew : Eto na lang, pumunta ka sa school this Friday. Itutugtog namin ito sa darating na Valentine program sa school.

Tong : Wow, talaga? Para sa akin ba 'yang kanta?

Mew : Hmm. Oo, basta magpakita ka ha? Pumunta ka sa araw na 'yan.

Dumating ang araw ng program nila Mew sa school at malapit na silang tumugtog ngunit hindi niya parin makita si Tong. Hanggang sa tinawag na sila ng Master of Ceremony. Wala siyang magawa kundi umpisahan na lamang ang pagtugtog.

Mew : Magandang gabi po sa lahat. The song we'll play is our new song. It will be our first time to play a love song. I would like to dedicate this song to someone who isn't here.

Hanggang sa nakita niya si Tong at nakangiting inawit ang awitin na may dalang inspirasyon at damdamin.

---- A Song entiled Gun Lae Gun from a movie The Love of Siam ----

If I say that I wrote this song for you, would you believe me?

It might not be as well written or beautiful like other songs.

I want you to know that a love song can't be written if you're not in love.

But for you, I can write this song so easily.

 You might have heard hundreds or thousands of love songs.

They might be meaningful, but their meanings are for everyone.

When you listen to this song, it is written only for you.

If you understand the meaning, our hearts will be together, forever.

-----------------------------

Nagpalakpakan ang lahat matapos ang pagkanta ni Mew kasama ang mga ka banda nito. Agad naman pinuntahan ni Mew ang hindi matapos tapos na ngiti ni Tong dahil sa napakinggan kanta mula sa kaibigan.

Please proceed to Chapter 5 for the continuation of the story.

A BEAUTIFUL SECRET AFFAIR ( Mew & Tong's Other World )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon