A Beautiful Secret Affair Chapter 8

1.2K 13 10
                                    

A Beautiful Secret Affair Chapter 8:

Biglang nagtaka si Mew dahil may tumawag sa kanyang pangalan, hindi muna siya lumingon dahil baka kapangalan lamang niya.

" Hoy, Mew. "

Biglang lumingon si Mew at nagulat sa kanyang nakita, dahil nakita niya si ---

Mew : Erika? Ikaw na ba 'yan?

Niyakap ng bigla ni Erika si Mew dahil sobrang na miss niya ang kaibigan.

Erika : Soobrang na miss kita Mew, kumusta ka na?

Mew : Ok lang, mabuti na lamang at nagkita tayo dito. Grabe ang laki ng Maynila anu?

Erika : Oo, pero maliliitan ka na lamang nito kung masusuyod mo ang buong Maynila. Alam mo, sobrang saya ko at nakita kita grabe. So kumusta 'yung byahe?

Mew : Mamaya ka na lang magtanong at kumain muna tayo kasi kanina pa ako nagugutom eh.

Naging madali ang paghahanap nila ng makakainan dahil sa tulong ni Erika. Habang kumakain ay naikwento ni Mew ang pagkamatay ni Lolo Jose ngunit hindi nawala sa pag uusap nila ang banggitin ni Erika si Tong.

Erika : Siya nga pala, kumusta na pala si Tong? Bakit hindi mo siya kasama?

Mew : Ah, uhm. Si Tong? Ok lang naman siya, umuwi na siya sa kanila.

Erika : Ganoon ba, sayang naman at hindi natin siya makakasama.

Hindi na sinabi pa ni Mew kay Erika ang tunay na nangyari dahil ayaw na niyang balikan pa ang nangyari sa tunay na nangyari. 

Erika : Mew, sa bahay ka na lang kaya tumira pansamantala tutal kami lang naman ni Lola ang nasa bahay eh.

Mew : Nakakahiya naman sa inyo Erika pero salamat talaga ha?

Erika : Mamaya ka na magpasalamat kung aalis ka na (pabiro) Tara, punta tayo sa Mall, ipapasyal kita.

Nang bumaba na sina Mew at Erika galing sa Jeep ay biglang nagulat si Mew sa kanyang nakita, isang billboard katabi sa Mall na kanilang pupuntahan. Napansin ni Erika na nakatingala si Mew sa isang billboard kung kaya't tumingala din siya.

Erika : Gwapo noh? Sikat 'yan dito. Anak siya ng isang sikat na aktor. Grabe sobrang idol ko nga siya eh.

Mew : Hmmm, wala ka bang napapansin sa kanya? Hindi ba siya pamilyar sa'yo?

Erika : Ah, alam ko na 'yang iniisip mo, Mew. Iniisip mo na baka siya si Tong noh? Akala ko nga nung una siya si Tong eh kasi magkahawig talaga sila kaso hindi pala. HAHAHA. Atsaka ibang iba sila pangalan pa lang. Tong at Mario. Mario at Tong.

* Mew's POV *

Ano ba itong iniisip ko? Sa tuwing nakikita ko ang larawan 'nung Mario na 'yun ay biglang si Tong 'yung tumatatak sa isipan ko. Hay, move on. Marahil tama si Erika. Magkahawig lang talaga sila.

Erika : Tara na nga at nang makapasok tayo sa Mall.

Pumasok na ang dalawa sa Mall ngunit kahit saan makatingin si Mew ay nakikita niya ang larawan nang isang modelo na kamukha ni Tong.

Erika : Hay naku sa'yo Tong, kanina ka pa ha. Ayaw mo ba ako kasama?

Mew : Ano ka ba Erika, sa tagal na nating magkaibigan ngayon pa ako magsasabi nang ayaw kitang makasama?

Erika : Eh kasi napapansin ko sa tuwing nakikita mo ang mga larawan ni Mario, parang na cu-curious ka at ini-insist mo na siya si Tong o baka naman may crush ka kay Mario?

Mew : Ewan ko sa'yo, umupo na nga lang muna tayo at may mga bagay pa tayo na dapat unahin at pag usapan.

Umupo ang dalawa sa Food Court ng Mall at doon nag kwentuhan.

Mew : Erika, tapos ka na bang mag enrol? Samahan mo naman ako bukas oh.

Erika : Oh sure, ikaw pa.

Naudlot ang pinag uusapan ng magkaibigan dahil sa takbuhan ng mga tao sa loob ng Mall.

Erika : Miss, anung nangyayari?

Girl : Magsisimula na kasi ang Meet and Greet nina Mario kasama 'yung loveteam niya na si Coleen.

Erika : Talaga? OMG, Mario is here, Mew. Tara.

Biglang nasiyahan si Mew dahil makikita na niya ng personal ang artistang si Mario na hinihinalaan niyang si Tong. Dali silang pumunta ni Erika sa Convention Center para mapanood ang sikat na artista. Hindi maipaliwanag ni Mew ang excitement dahil gustong gusto niyang makita si Mario hanggang sa nagsalita na ang Host.

Host : Good Day Po sa lahat ng MC-fanatics (tawag sa fans nila Mario at Coleen). Alam ko po kung gaano po kayo ka excited na makita ang tanging love team ng lahat na sina Mario Maurer at Coleen Morgan kahit sa konting oras lamang kung kaya hindi ko na patatagalin pa. Ladies and Gentlemen, the Star of "Suddenly It's Magic".

Nagtilian ang lahat dahil lalabas na ang hinahangaan nilang artista upang mag plug ng kanilang movie na tiyak ay magiging patok sa takilya dahil sa pagbibida ng Ultimate Crush ng bayan na si Mario Maurer. Hindi naman maitago ni Mew ang labis na saya at pananabik.

Host : Mario Maurer and Coleen Morgan.

* Mew's POV *

Hindi ako maaaring magkamali, tama ang hinala ko. Si Tong at si Mario ay iisa. Alam na alam ko ang bawat kilos niya at kahit sa konting sandali lamang kami nagkasama ay nararamdaman ko . Hindi hindi ako maaaring magkamali.

Natapos na ang meet and greet nila Mario at Coleen. Agad namang pinuntahan ni Mew kasama si Erika ang mga artista sa back stage dahil gusto niyang makausap si Mario. Habang paalis na si Mario papuntang VIP Exit ng Convention Center ay biglang tinawag ni Mew si Mario.

Mew : Tong !

---

Please proceed to Chapter 9 for the Continuation of the Story.

A BEAUTIFUL SECRET AFFAIR ( Mew & Tong's Other World )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon