A Beautiful Secret Affair Chapter 16

983 12 8
                                    

A Beautiful Secret Affair Chapter 16:


Umuwi na ng maaga si Mario nun matapos tumawag ang kanya ina kung kaya di na niya tinapos pa ang kanta ng bokalistang napamangha siya. Hindi na din nakita ni Mew si Mario dahil sa maagang pag uwi nito. Kalagitnaan na ng gabi ng matapos ang pagtugtog nila Mew.

Ronald : Bro, mauna na kami ni Vince.

Andrew : Sige bro. Ingat kayo.

Mew : Thanks nga pala Andrew ha. Dahil sa'yo nawala 'yung kaba ko kanina.

Andrew : Ah wala 'yun Mew. Nandito lang naman ako lagi sa tabi mo eh. Tara, punta tayong park.

Mew : Ha? Gabi na ah. Baka hanapin ka na sa inyo n'yan.

Andrew : Ok lang. Di bale nang pagalitan ako eh kasama naman kita eh.

Hindi maitago ni Mew ang labis na saya at kilig nang kasama niya si Andrew nung gabing 'yun. Samantala, nasa bahay na si Mario nang gabing 'yun.

Mario : Hi Ma. Im home. Bakit di pa kayo natutulog?

Mommy Divine : I waited for you. Are you drunk?

Mario : Konti lang Ma. Kasama ko naman si Josh eh.

Mommy Divine : Is it because of Coleen? (pause) Son, I know. Kilala kita anak,

Mario : Ayokong mawala sa akin si Coleen Ma. Hindi ko alam ang gagawin kung tuluyan siyang mawala sa akin.

Mabait at close si Mommy Divine kay Mario. Tanging ito lang ang sinasandalan niya sa mga problema niya dahil ang tanging ina lamang ang nakakaintindi sa kanya. Niyakap na lamang ni Mommy Divine si Mario para iparamdam na hindi siya nag iisa. Samantala, nakauwi na din si Mew at nakipagkwentuhan pa sa gising pa na si Erika.

Erika : Ano na ba kayo ni Andrew? Lagi kayong magkasama. Iba ang smile mo pag siya 'yung kasama mo.

Mew : Siyempre magkabanda kami eh.

Erika : Kasama ba sa rules ng banda n'yo ang maghatiran? Pwede ba Mew, bestfriend mo ako kaya alam kong meron.

Mew : Basta. Ang masasabi ko lang na ang saya saya ko pagkasama ko siya. Feeling ko ligtas ako pag nandyan siya. Nakakalimutan ko ang mga bagay na dapat kong unahin. Parang perfect na ang lahat. Daig pa nga namin ang magsyota eh.

Erika : Hindi na 'yan paghanga. Pagmamahal na 'yan Mew.

Mew : Pero wala naman siyang sinasabi eh. Ayoko ng ganito. Walang maayos na relasyon. Ayoko din naman mag expect at umasa na dahil lang sa sweetness nang taong gusto mo eh mag aassume ka na. Pero parang 'yun yung nararamdaman ko eh. Nag aasume ako na mahal din niya ako.

Erika : Baka nahihiya lang siya. Bakit di mo kaya ligawan?

Mew : Ako? Manliligaw ako sa kanya?

Erika : Oo. Di ba yan yung ginagawa ng iba?

Mew : Ibahin mo ako sa iba Erika. Hindi ako ganun. May prinsipyo ako. Ayokong magmukhang desperada at magiging taken for granted na lang.

* Mew's POV *

Hay. Hanggang kailan kaya ganito? Kailan kaya aaminin ni Andrew na may gusto din siya sa akin? Alam ko naman eh na may pagtingin din siya sa akin dahil sa mga efforts niya. Marahil tama nga si Erika, nahihiya lamang siya. Pero hindi dapat ako mag assume.

Kinabukasan nun ng maagang pumasok si Andrew at nadatnan niyang nag uusap ang dalawang ka banda na sina Ronald at Vince.

Ronald : Bro, sa'n at anu pa ginawa n'yo ni Mew kagabi?

Andrew : Yung umuwi na kayo, pumunta lang naman kami ng Park para kumain ng balut eh. Tapos umuwi na kaagad.

Vince : Are you sure? Yun lang?

Andrew : Teka muna. Bakit ba?

Vince : May nakakita sa inyo ni Mew. Magkahawak kamay at sobrang sweet. May relasyon ba kayo ni Mew?

Andrew : Ano ba 'yang pinagsasasabi n'yo?

Vince : Nakunan kayo ng litrato ni Mew.

Ipinakita ni Ronald ang litrato nila Mew at Andrew na magkahawak kamay. Ipinalabas nilang may nakakita pero ang totoo wala naman talaga at silang dalawalang ni Vince mismo ang kumuha ng picture.

Ronald : Hindi na importante kung sino ang kumuha. Ang importante ay kami na lang ang merong kopya nito at pinatahimik na ang source ng larawan. Bro, ano ba ang nangyayari sa'yo? Mabuti na lang at nandito kami para magpaliwananag kung hindi baka na tsismis ka na. Gusto mo bang masira ang pangalan mo dahil pumatol ka sa isang bakla? O baka naman ikaw 'yung bakla?

Andrew : Of course not.

Ronald : Alam namin. Kaya habang maaga pa, iwasan mo na si Mew kung ayaw mong may makakita pa sa inyo. Gusto mo bang mabago ang tingin nila sa'yo tapos pandirihan ka? Hindi lang ng mga tao dito sa campus at maging ng mga mahal mo.

---

Please Proceed to Chapter 17 for the Continuation of the Story.

A BEAUTIFUL SECRET AFFAIR ( Mew & Tong's Other World )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon