A Beautiful Secret Affair Chapter 6

1.4K 16 2
                                    

A Beautiful Secret Affair Chapter 6:

Hindi makahinga si Lolo Jose kung kaya'y dali daling tinawag ni Mew si Tong.

Tong : Mew, kailangang dalhin natin si Lolo sa Hospital.

Mew : Tong, wala na tayong pera. Kung dadalhin natin si Lolo sa hospital ngayon ay di tayo papansinin at medyo malayo pa.

Nag alala ang dalawa at hindi nila alam ang kanilang gagawin. Pero naging maayos din ang lahat dahil sa paggamot ng dalawa. Binantayan nila ng maigi si Lolo Jose hanggang sa ito ay makahinga na hanggang kinabukasan.

Tong : Mew?

Mew : Akala ko iiwan na ako ni Lolo Jose. (iyak)

Niyakap ni Tong si Mew ng mahigpit at ipinadama nito na imposible ang iniisip niya.

Mew : Tanging si Lolo Jose na lang ang pamilya ko, hinding hindi ko matatanggap kung pati siya mawala.

Tong : Mew, hinding hindi mangyayari iyon. Huwag mong isipin 'yung makakapagpaiyak sa iyo, laging mong tatandaan na hindi hindi ka iiwan ni Lolo Jose, isama mo pa ako.

Kahit ayaw ipakita ni Tong na naluluha siya ay hindi niya mapigilan ang pagkalungkot dahil sa pag aalala kay Mew. Habang tumatagal ay naging malala ang sakit ni Lolo Jose kung kaya di din niya mapigilan ang sarili ang mag alala.

Pumasya siyang makipagkita kay Carlota para manghiram ng pera para ipagamot kay Lolo Jose.

Carlota : Sir Mario, ipagpaumanhin ninyo po at may pagagamitan po kasi ako ng pera para sa anak kong maysakit. Nagsisimula na nga po akong mag ipon ng pera simula nung mawala po kayo. Nawalan na din po ako nang trabaho simula nung nalaman nilang patay ka na Sir Mario.

Biglang napahinto si Tong at napaisip sa sinabi sa kanya ni Carlota hanggang sa mag desisyon siya.

Tong : Sasama po ako sa Maynila, kailangan ko lang talaga po ng pera para maipagamot ang taong kumupkop sa akin at pangako ko po na babayaran ko po kayo pagdating sa bahay ng tunay kong pamilya.

Naging masaya si Carlota dahil sa desisyon ni Tong dahil sa wakas ay magkakaroon na siya ulit ng trabaho. Naging mahirap ang buhay ni Carlota ng mawalan ng trabaho dahil sa akala'y patay na ang sinisilbihang si Mario. Agad na ipinahiram ni Carlota ng pera si Tong at bumili ng gamot para kay Lolo Jose. Luluwas sina Tong at Carlota ng Maynila bukas.

Nakauwi na si Tong at dala ang gamot ni Lolo Jose.

Mew : Tong? Saan mo kinuha ang pambili ng gamot ni Lolo Jose?

Tong : Hmmmm. kaw Mew ha, hindi ko gusto iyang iniisip mo. Siyempre pumunta ako doon sa bayan at nag extra, at saka hindi na importante kung paano at saan galing ang pera dahil ang importante ay may gamot na si Lolo Jose.

Hindi maipaliwanag ni Mew ang saya kung paano niya mapapasalamatan ang kaibigan. Hindi niya lubos maisip na sobrang swerte niya at naging parte niya ang dalawang taong nagbigay ng ngiti sa kanya.

Kalagitnaan ng gabi noon at nagising si Tong ng may luha sa kanyang mga mata. Hindi niya mapigilan ang umiyak dahil sa labis na kalungkutan kung kaya lumabas siya at umupo kung saan sila tumatambay. Hindi niya lubos maisip ang desisyong iwan ang nakagisnan na niyang pamilya. Maya't maya naman ay napansin ni Mew na wala ang kaibigan sa tabi kung kaya lumabas siya at napansin niyang umiiyak ang kaibigan.

Tong : Oh Mew, bakit nandito ka? Bumalik ka na nga doon at umihi lamang ako.

Mew : May ihi bang galing sa mata?

A BEAUTIFUL SECRET AFFAIR ( Mew & Tong's Other World )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon