A Beautiful Secret Affair Chapter 12

1.2K 15 16
                                    

A Beautiful Secret Affair Chapter 12:

Habang nag uusap pa ang tatlo ay biglang dumating si Mew at lumapit sa kanila.

Mew : Hi Andrew, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap.

Ronald : Sige Andrew, mauna na kami ni Vince. Pag isipan mo 'yung plano ha? Sige Mew, alis muna kami.

Mew : Plano? Anong plano?

Andrew : Ah wala yun Mew, plano 'yun para sa incoming school concert.

Mew : Ah ganun ba. Siya nga pala Andrew, kanina ko pa din hinahanap si Erika eh kasi sabay kaming mag lunch. Sama ka ha.

Andrew : 'Di ako pwede ngayon eh. May gagawin pa kasi ako. Kayo na lang muna Mew, sa susunod na lang ako.

Nagtaka si Mew dahil sa unang pagkakataon ay tinanggihan siya ni Andrew. Naging sunod sunod ang pag iwas ni Andrew nito sa kanya pero nangibabaw pa rin ng pagkaka intindi si Mew dahil inisip niyang abala ito para sa School Concert.

Ano kaya ang dahilan ni Andrew kung bakit iniiwasan niya na lang bigla si Mew? May kinalaman kaya ito sa plano ni Ronald? o di kaya ayaw niya lang ma tsismis sa School Campus dahil sa closeness nila ni Mew?

Mew : Erika, wala ka bang napapansin kay Andrew?

Erika : Kaya nga eh, hindi ko na kayo nakikitang nag uusap o magkasama.

Mew : Parang iniiwasan niya kasi ako eh. Galit kaya siya?

Erika : Hindi naman siguro. Pero, OMG. Mew, baka naman inlove na si Andrew sa'yo? I mean baka na develop na siya dahil sa closeness niyo. Alam mo kasi ang tao pag naramdaman nilang nagkakagusto na sila ay mag iiba na ang tingin nila. Magiging awkward na ang lahat at aabot sa mahihiya na.

Mew : Imposible.

Tanging si Erika na lamang ang nagpapalakas ng loob ni Mew para hindi na mag isip ng hindi maganda ang kaibigan. Isang araw noon ay nakita ni Erika sina Ronald at Vince at pinuntahan niya ito at kinausap.

Erika : Alam ko kaibigan niyo si Andrew kung kaya dapat mapansin niyong iniiwasan ng kaibigan niyo ang kaibigan ko.

Ronald : Iniiwasan?

Erika : Oo, iniiwasan ng walang kadahilanan. Ano ba kasi ang nagawa ni Mew para iwasan na lang ni Andrew? Dahil ba napansin niyang may gusto si Mew ko kay Andrew?

Biglang natahimik sina Ronald at Vince sa sinabi ni Erika at nalaman nilang may gusto pala si Mew sa kaibigan nila.

Erika : Oo, totoo ang narinig niyo at kaya ko siyang depensahan laban sa kung ano man magiging reaksyon niyo.

Ronald : Erika, Relax ka lang. Wala pa kaming sinasabi ay ang dami mo nang satsat. Inuunahan mo 'yung magiging reaksyon namin ni Vince eh. Pero teka lang, totoo ba 'yung narinig namin na may gusto si Mew kay Andrew?

Erika : Oo at normal lang naman 'yun dahil may damdamin ang kaibigan ko at tsaka puso 'yung nagmamahal at hindi 'yung mga matang mapanghusga.

Ronald : Naiintindihan naman namin 'yun eh. Ang totoo boto nga kami kay Mew eh.

Erika : Kung ganun gumawa kayo ng paraan para sa kanilang dalawa.

* Erika's POV *

Tama nga kaya 'yung ginawa ko na sabihing may gusto si Mew kay Andrew? Oh My Jesus. Ang daldal ko talaga. Pero gusto ko lang naman makatulong sa kaibigan ko eh. Bahala na.

A BEAUTIFUL SECRET AFFAIR ( Mew & Tong's Other World )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon