A Beautiful Secret Affair Chapter 19

1.2K 15 25
                                    

A Beautiful Secret Affair Chapter 19:

Nasa bahay ni Mario nun si Coleen nang mag usap ang dalawa.

Coleen : Babe. Akala ko ba ay mag aaral ka? Nagsisimula na yata yung second semester sa ibang school ah, pero bakit di ka man lang nag enrol?

Mario : Kaya nga babe eh. Hindi ko pa kasi alam hanggang ngayon kung sa'n mag aaral.

Nagsisimula na ang pasukan sa iba't ibang paaralan pero hindi pa rin makahanap si Mario kung saan siya papasok.

Miss Han : Andrew. You're late. Unang klase na late ka na agad. Siam is different from other school. We nurtures quick teaching and as well standard of education.

Maya't maya pa ay dumating na din si Mew.

Mew : Miss Han. Sorry for being late.

Miss Han : I won't accept apology Mew. You both were late, in short you both should learn. Since it is a sort of Health Class, I want you both demonstrate the right way of Cardiopulmonary Resuscitation.

Andrew : CPR Maam?

Miss Han : Yes Mr. Andrew, or else you want ZERO.

Wala nang magawa ang dalawa kundi ang sumunod na lamang sa parusa ni Miss Han. Nagsimula na ang dalawa at humiga na si Mew na nagsasadulang biktima.

Andrew : Ew! Mew. Bakit mo inilabas 'yang dila mo? Nakakasuka ka.

Mew : Huh? Ano bang sinasabi mo Andrew?

Andrew : Yung laway mo. Yucks.

Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Andrew. Habang napahiya naman si Mew dahilan para mag walk out ito. Nabalitaan ni Erika ang nangyari kung kaya agad niyang pinuntahan sina Andrew sa music room kasama ang iba pang ka banda.

Vince : Ui Andrew. Nabalitaan ko. Naghalikaan daw kayo ni Mew kanina ah.

Andrew : HAHAHA. Yucks. (nakita si Erika) Hi Erika.

Erika : Andrew, bakit mo ginawa kay Mew 'yun?

Andrew : Erika pwede ba. Alam ko namang gusto din ni Mew 'yun eh.

Erika : Napahiya ang kaibigan ko dahil sa ginawa mo. Ano ba ang nagawa sa'yo ni Mew?

Andrew : Bakit hindi mo baliktarin ang tanong? Ano bang ginawa ko para mahulog siya sa akin?

Erika : Ano bang pinag sasabi mo?

Andrew : Bakit hindi mo tanungin sina Ronald at Vince? Hindi ba sinabi mo sa kanila na may gusto sa akin si Mew?

Bigla na lamang narinig nila Andrew at Erika ang pagbagsak ng pinyuan mula sa labas at napansing narinig ni Mew ang lahat. Hindi mailarawan sa mukha ni Mew ang narnig kung kaya tumakbo na lamang itong papalayo.

Erika : Mew!

Nalaman ni Mew na plano lang ang lahat nang nangyari para makasali siya sa banda. Pero ang tanging nagpasama sa kanyang loob ay nang malaman niyang nabuo ang plano dahil sa sinabi ni Erika sa kanila. Mula sa kinatatayuan ni Erika ay hinabol niya ang kawawang si Mew para magpaliwanag sa narinig.

Mew : Bakit? Bakit Erika?

Erika : Mew, hayaan mo akong magpaliwananag.

Mew : Pinagkatiwalaan kita pero sinabi mo pa rin ang mga bagay na tayo lang ang dapat nakakaalam.

Erika : Mew, gusto ko lang naman makatulong sa mga panahon na 'yun eh.

Mew : Tulong? You're not helping. Lalo mong pinalala ang sitwasyon. Sana hindi ka na lang nakisali.

Erika : Bakit ka ba ganyan Mew? Parang feeling mo, nawala na sa'yo lahat ah?

Mew : Dahil sa'yo kaya ako nagkakaganito. Dahil sa mga tulong na sinasabi mo. Palibhasa, pakialamera ka kasi.

Erika : Oo naging pakialamera ako. Yun ay dahil concern ako sa'yo. 

Mew : Concern? Sa tingin mo wala akong pakialam sa sarili ko? Erika, besfriend lang kita. Hindi mo hawak ang buhay ko para pakialaman mo.

Erika : Marahil hindi mo alam kung bakit ako nagkakaganito, dahil manhid ka. Di mo man lang napapansin ang effort ko dahil sa sinasabi mong besfriend lang ako. Ang mga effort ko na lalong nagpapahirap sa akin para mapansin mo at para mahalin mo. Ang tanga tanga ko dahil minahal ko ang taong tinutulak ko sa iba.

Mew : Ano bang pinagsasasabi mo, Erika?

Erika : Oo Mew, lihim kitang ---

Mew : Pwede ba Erika. Tama na. Kalimutan mo 'yang feeling na yan. Dahil kahit naging straight pa ako, hinding hindi kita magugustuhan. Sobrang hindi.

Umalis na lamang si Erika at naiwang mag isa si Mew. Hindi nila mapigilan ang umiyak at mapaluha dahil sa unang pagkakataon ay nag sagutan silang dalawa. Ilang araw din silang hindi nagkikibuan at nagpapansinan pero kitang kita sa mga kilos nila na sobrang nahihirapan sila at na mimiss na nila ang isa't isa gayong nasa iisang bubong lamang sila. 

Samantala, nasa bahay si Mario nun nang marinig niya ang Mommy na kausap ang Daddy niya sa kabilang phone gamit ang LINE 2 ng telepono.

Mommy Divine : Hon, nakikita ko naman kay Mario na gustong gusto niyang mag aral.

Daddy John : Alam ko magsasawa din 'yang anak mo. Noon ko pa sinabi sa kanya na unahin niya ang pag aaral pero hindi niya ako sinunod.

Mommy Divine : He followed you pero hindi ka naging kontento.

Daddy John : Dahil hindi sapat ang mga grades niya. I told him not just once na 'wag mag artista.

Mommy Divine : Hon, just give him chance. Alam ko naman na para sa'yo tong ginagawa ni Mario eh.

Daddy John : Whatever, nasisira 'yung araw. Sige hon, I miss you. I'll call you later.

Hindi magkasundo sina Mario at ang Daddy John nito simula nang pumasok si Mario sa industriya ng showbiz. Dating artista ang ama nito pero tumigil din ito dahil ayaw niyang sumunod ang anank niya sa yapak nito sahil sa dumi ng showbiz. Sobrang nasaktan si Mario sa narinig na conversation ng Mommy at Daddy niya dahilan para naging malungkot siya. Gusto lang naman niya na kahit sa isang beses man lang ay maipagmamalaki siya ng kanyang ama.

Mag isang tumambay si Erika nun sa isang sulok ng Siam University ng umiiyak habang nag susulat na tila bagang na mimiss ang kaibigang nakasamaan ng loob. Hanggang sa natahimik ito ng may narinig siyang tinig ng isang lalaki na binabanggit ang pangalan niya at may inaabot na panyo.

 Erika..!

At bigla na lamang siyang nagulat sa kanyang nakita.

Erika : Mario?

---

Please Proceed to Chapter 20 for the Continuation of the Story.

A BEAUTIFUL SECRET AFFAIR ( Mew & Tong's Other World )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon