A Beautiful Secret Affair Chapter 10

1.1K 12 10
                                    

A Beautiful Secret Affair Chapter 10:

Lumipas din ang mga araw at pumasok na sina Mew at Erika sa isang sikat na University. May mga subject na magkaklase sila at may mga oras din na parehong libre ang dalawa. Naging mas matatag ang pagiging magkaibigan nila habang lumilipas ang mga araw.

Malaki ang paaralang pinasukan nina Mew at Erika, hindi man gaano ka mahal at pribado ngunit maraming mga tao ang gustong gustong makapag aral dito. Habang naglalakad sa loob ng campus ay may biglang tumawag sa kanilang pangalan.

Erika ! .. Mew ? ..

Mew : Andrew?

Erika : Hi Andrew. Oo nga pala, hindi ko nabanggit kay Mew na dito ka din nag aaral.

Andrew : Grabe ka naman Erika. Anyways, kumusta ka na, Mew?

Mew : Ok lang, Andrew. Ikaw kumusta ka na? Ang laki ng pinagbago mo ah.

Andrew : Lalong pumogi ba? Hehe. Ok lang din ako, napagod lang ng konti kasi kakapaenrol ko lang. Mabuti nga at tinanggap pa ako ng school eh.

Mew : Mabuti naman at nagkita ulit tayo dito. Akalain mo parang reunion lang.

Andrew : Oo nga eh. Oh, Erika bakit parang natahimik ka d'yan?

Erika : Wala lang, kinikilig kasi ako sa inyong dalawa eh.

Siniko ni Mew si Erika dahil sa sinabi nito. Kahit lumipas ang dalawang taon ay alam na alam pa ni Erika na may crush pa rin si Mew kay Andrew.

Andrew : Kinikilig?

Mew : Ah, ang ibig niyang sabihin ay kinikilig daw siya sa'yo.

Andrew : HAHAHA. Paano kikiligin 'tong si Erika eh tibo nga yata ito eh.

Erika : Tse, tibo ka d'yan. Hala anung oras na ba. May pasok pa pala ako Mew. Andrew favor naman oh, pakisamahan mo na muna si Mew, please.

Andrew : Oh sure, para naman maipakilala ko siya sa ka bandmates ko.

Mew : May banda ka?

Andrew : Oo at ipapakilala kita sa kanila.

Erika : Sige na Mew at Andrew, magkikita na lang tayo after class ko.

Mew : Sige Erika, ingat ka.

Erika : Sige, enjoy. Hehe.

Kahit may lihim na gusto si Erika sa kaibigang si Mew ay suportado niya pa rin ang kaibigan para kay Andrew. Sabi pa nga niya huwag lang daw babae ang magiging karibal niya. Ipinagpatuloy naman ni Andrew sa kolehiyo ang pagtugtog dahil tulad din ni Mew ay mahilig din ito sa musika. Ipinakilala ni Andrew si Mew sa mga bandmates nito at sinabi ang tungkol sa bandang nabuo nila noong sila ay nasa highschool pa.

Ronald (bandmate)  : Wow naman, pwede bang pa sample naman d'yan kahit isang kanta lang.

Vince (bandmate) : Oo nga naman, gusto namin marinig boses mo, kasi lagi ka kinukwento sa amin ni Andrew.

Andrew : Hey guys, di ko naman ipagmamalaki si Mew sa inyo kung hindi maganda ang boses niya diba. Uhm, Mew matagal ko na ring di napakinggan 'yang boses mo. Pwede ba?

Mew : Uhm, sige.

Hindi pinahiya ni Mew si Andrew kung kaya kumanta ito at pumwesto na si Andrew para itugtog ang kantang Roo Suek Barng Mhai (Together) na madalas itugtog nila noon.

Andrew : 1, 2, 3 Go.

Namangha at napabilib ni Mew ang lahat ng nasa rehearsal room at napahinto ang mga estudyanteng dumaan dito dahil sa pag awit niya. Nagpalakpakan ang lahat at nagkaroon ng standing ovation. Natuwa ang mga nakarinig at nais nilang isama si Mew sa banda. Matapos ang nangyari ay lumabas na sina Mew at Andrew sa Music Room.

Andrew : Salamat pala kanina Mew ha at hindi mo ako pinahiya. See manghang mangha sila sa'yo.

Mew : Ah wala 'yun, ikaw pa. Ako nga din ang dapat magpasalamat  eh kasi kinukwento mo pala ako sa kanila.

Andrew : Oo naman. Ah Mew, bakit nga pala ayaw mong bumalik sa pagkakaroon ng banda?

Mew : Ayoko na muna Andrew. Hindi rin kasi masaya 'yung mga napagdaanan ko eh.

Andrew : Bakit? Anung kinalaman ng musika sa pinagdaanan mo?

* FLASHBACK *

Tong : Mew, a song cannot be written if you're not in love.

Mew : Pero nang dahil sa'yo, I made a love song so easily.

* END OF FLASHBACK *

Andrew : Ah nandiyan na pala si Erika.

Erika : Mew, ikaw ata yung tinutukoy nung ibang estudyante na narinig nila sa Music Room daw eh.

Andrew : Oo Erika, napamangha niya nga si Master Ryan (Music Adviser) eh. Hindi pa rin nagbago 'tong boses ni Mew. Lalong gumaling.

Erika : Oo naman, kaya nga love na love ko siya eh.

Andrew : Love na love? Iba yata ang pagkabigkas mo Erika ah.

Erika : Siyempre, love na love ko 'tong bestfriend ko eh. (akbay kay Mew)

Inabutan ng gabi ang tatlo sa pagkukwentuhan at pagbibiruan kung kaya umuwi na sila. Habang nasa kwarto na sina Mew at Erika ay hindi naiwasan ni Erika ang magtanong ng tungkol kanina.

Erika : So kumusta naman ang pagsasama ninyo ng crush mong si Andrew kanina?

Mew : Hay naku sa'yo Erika. Noon yun noh at tsaka sobrang tagal na nun, at tsaka bata pa nga tayo noon eh.

Erika : Bakit, may expiration date ba ang paghanga?

Mew : Erika naman eh. Oo aaminin ko mas gumuwapo siya ngayon pero wala akong oras sa mga ganyang bagay. Nandito ako para sa mga pangarap ko at tutulungan mo naman ako para makamit 'yun diba?

Erika : Oo naman.

Mew : Ganun naman pala eh, kaya tigilan mo na ako d'yan kay Andrew.

Habang nakatalikod si Mew sa kaibigan ay hindi niya maiwasan ang ngumiti.

Erika : Ah Mew, bakit di mo ipagpatuloy 'yung pagkanta mo? Lalo na ngayong mas makikilala ka ng mas maraming tao at may chance pa na sumikat ka. Sumali ka kaya sa banda nila Andrew? Isa pa napabalitaan ko na parang aalis daw 'yung lead vocalist nila. 

Mew : Bakit naman?

Erika : Mag aaral 'yata sa ibang bansa. Kaya grab mo na 'yung chance.

Mew : Ayoko, mag fofocus ako sa pag aaral.

Erika : Makakapag focus ka naman eh o baka naman iniisip mong di ka makapagfocus dahil kay Andrew?

Mew : Ewan ko sa'yo, matulog na nga tayo.

---

Please Proceed to Chapter 11 for the Continuation of the Story.

A BEAUTIFUL SECRET AFFAIR ( Mew & Tong's Other World )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon