A Beautiful Secret Affair Chapter 11

1.1K 16 15
                                    

A Beautiful Secret Affair Chapter 11:

Sa bawat paglipas ng mga linggo ay may mga kakilala na si Mew at naging mas malapit na sa kanya ang dating kabanda at hinahangaang si Andrew. Naging masaya na siya at nakalimutan na ang mapait na alaala kasama ang pagpanaw ng kanyang Lolo at ang taong minsan ay naging parte at mahalaga sa kanyang buhay na si Tong na kahit minsan ay naaalala niya ito sa katauhan ng sikat na artistang si Mario Maurer dahil kahit saan siya lumingon ay lagi niyang nakikita at napapanuod ang larawan at advertisment ng sikat na artista.

Ilang araw din siyang nag research at nagtanong ng tungkol sa tunay na pagkatao ni Mario Maurer nang hindi nalalaman ni Erika dahil malamang ay magagalit na naman ito sa kanya. Hanggang sa nalaman ni Mew na si Mario ay huminto sa pag aartista at nawala sa industriya ng showbiz dalawang taon na ang nakakaraan upang ipagpatuloy ang pag aaral sa Thailand. Bigla siyang natauhan sa kanyang nalaman dahil hindi totoo ang hinala niya at unti unting pinilit ang sarili na kalimutan na ang kaibigan.

Kalagitnaan ng gabi habang tulog na si Erika ay nagising siya at kinuha ang mga larawan nila ni Tong kasama ang kwintas na bigay nito sa kanya.

Mew : Marahil talagang may magkamukha sa mundo, pero hindi lahat pare pareho ang ugali at ang pagkatao. Oras na para tigilan ang sarili ko na iinsist na ikaw si Mario, oras na para gumising at harapin ang bukas at ipagmukha sa sarili ko na ang isang masayang kahapon ay kailanman di na mauulit sa ngayon.

Hindi maiwasan ni Mew ang mapaluha dahil kahit labag sa kalooban niya ay kailangan na niyang kalimutan ang taong minsa'y naging dahilan kung bakit siya naging masaya at ang taong dahilan kung bakita siya lumuha.

Mew : Sadyang minahal lang talaga kita Tong.

Kinuha ni Mew ang kahon at inilagay ang lahat ng bagay na makakapagpapaalala sa kanilang pagsasama. Hiniwalay niya ang chain ng necklace at ang pendant na mala-tunay na kandado. Sinama niyang inilagay ang chain sa kahon at ginawang kandado ang ni minsan ay hindi pa naisarang lock na pendant.

Mew : Oras na para isara ko 'tong kandado.

* FLASHBACK *

Tong : Sige na, isuot mo na ito at sa akin itong pendant na susi para malaman nilang may susi na para sa iyo, sa kandadong 'to.

* END OF FLASHBACK *

Mew : Bubuksan ko ulit ito kung sakali man na bumalik ka.

Naging magaan ang pakiramdam niya nung gabing iyon at inisip na hindi lang kay Tong hihinto ang kasiyahan niya dahil alam niya na sa puso at sarili niya na may tao pa ring tanggapin at handa siyang pasayahin.

Isang araw noon sa school ay nag uusap sina Andrew at ang kabanda nitong si Ronald.

Ronald : Bro, parang naging malapit na kayo ni Mew these past few weeks ah.

Andrew : Close naman kami noon pa eh.

Ronald : Para kasing iba 'yung closeness niyo eh, parang may halong sweetness. (biro nito)

Andrew : HAHA, ano ba 'yang iniisip mo bro.

Ronald : Common Bro, hindi lang ako ang nakakapansin. Concern lang naman ako sa'yo eh, ayokong mabahiran ng tinta ang pangalan mo. Alam mo, ok lang naman siguro kung tinta eh, pero parang nakikita ko lipstick eh. 

Andrew : Baliw ka talaga Ronald, talagang ganoon lang 'yung si Mew.

Ronald : Kahit na bro, baka kasi paggising mo isang araw magiging trending na kayo dito sa school.

Andrew : Lol, nakakasuka ka talaga. Hinding hindi mangyayari 'yun.

Maya maya pa ay dumating ang ka banda nilang si Vincent.

Vincent : Mga Bro, pinatatawag tayo ni Master Ryan sa office niya ASAP.

Kinabahan ang lahat kasama ang ibang ka banda dahil sa pinatawag sila ng Coach nilang si Master Ryan. Maya't maya pa ay magsisimula na sana si Master Ryan pero napansin nilang kulang sila.

Andrew : Nasa'n si Kara?

Si Kara ay ang lead Vocalist ng banda nila. Maganda at tahimik, kung kaya maraming humahanga sa kanya. Pero naging mas matunog ang pangalan ni Andrew dahil sa mga babaeng naghihiyawan sa kanya. 

Master Ryan : May kinalaman si Kara kung bakit ko kayo pinatawag. Kara is no longer a SIAM Student, therefore Kara is no longer available to be your Vocalist. She's staying in Thailand to continue her studies and fullfil her dreams there. Your campus concert is sooner and we need back ups and vocalist as well. One thing you have to do is find Kara's replacement as soon as possible, otherwise your schollarship will stop due to it. That is for now boys and goodluck.

Parang binagsakan ng mundo sina Andrew at ang kabanda nito dahil sa musika lamang nakasalalay ang pag aaral nila. Maaaring mawala ito at ihinto dahil sa pag alis ng vocalist na si Kara. 

Vincent : Mga Bro paano na'to. Si Mew na lang ang tanging makakasalba sa atin sa problemang ito.

Andrew : Nag usap na kami ni Mew, talagang ayaw niya.

Ronald : Bro, may naisip akong plano.

Eksklusibong nag usap ang tatlo dahil sa planong naisip ni Ronald.

Andrew : Ayoko.

Ronald : Sige na, hindi ba sabi mo noon na pumasok ka sa school na'to dahil sa mga pangarap mo at sa pamilya mo? Ngayong nandito ka na at kilala pa, gusto mo bang mawala pa lahat sa'yo 'to?

Vincent : Oo nga naman Andrew, sige na.

Biglang napaisip ng maigi si Andrew dahil sa plano ng kanyang ka banda na si Ronald.

[ the necklace looks like in the multimedia ]

---

Please Proceed to Chapter 12 for the Continuation of the Story.

A BEAUTIFUL SECRET AFFAIR ( Mew & Tong's Other World )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon